Sen. Koko Pimentel, positibo sa COVID-19; panganganak ng asawa, on hold muna

Imahe mula sa Instagram | Koko Pimentel
  • Nakatakda sanang manganak nitong Miyerkules ng umaga ang asawa ni Sen. Koko Pimentel ngunit naudlot ito matapos mapag-alamang positibo ang senador sa COVID-19
  • Umani ng batikos si Pimentel dahil sa pagpunta nito sa 0spital sa halip na sumailalim sa quarantine
  • Nilinaw naman ng kaniyang asawa na hindi totoo ang mga ulat na pumasok ang senador sa delivery room

Na-hold ang panganganak ng asawa ni Sen. Koko Pimentel matapos malaman ng senador na nagpositibo siya sa COVID-19.

Imahe mula sa Instagram | Koko Pimentel

Ayon sa mga ulat, nakatakda sanang manganak si Kathryna Yu Pimentel Miyerkules ng umaga ngunit napag-alaman ni Sen. Pimentel na nagpositibo siya sa virus Martes ng gabi.

“No baby yet. Doctors ab0rted the procedure when I relayed to them the news I got last night,” sabi raw ni Pimentel sa kaniyang pahayag sa mga reporter. “She was scheduled to give birth this morning. I received the call from RITM when I was already in the h0spital last night hence I left immediately.”

Humiling din siya ng panalangin para sa kaniyang mag-ina. “Imagine, 8+ months pregnant then under isolation pa. I hope the doctors will be able to give her comfort and assurance. Kasi mag-isa lang siya doon,” aniya pa. “Ayaw lang natin yung feeling na discriminated against, ako naman ‘yung positive, ‘di naman siya eh.”

Imahe mula sa Instagram | Koko Pimentel

Nagsagawa na raw ng contact tracing ang kaniyang staff sa mga nakasalamuha niya sa mga nakalipas na linggo.

Samantala, ayon sa CNN, itinanggi ni Kathryna ang mga ulat na pumasok ang asawa sa delivery room. Aniya, maging siya ay hindi pa nakapapasok doon. Kinakailangan muna raw niyang sumailalim sa swab test bago manganak.

Ikalawang senador nang nag-positibo sa COVID-19 si Pimentel. Matatandaang si Sen. Juan Miguel Zubiri rin ay umaming nagpositibo rito ngunit bago pa man niya ito makumpirma ay sumailalim na siya sa quarantine.

“As one of those very early on in the Senate who espoused and advocated for stronger government response on controlling COVID-19, I was very careful in my dealings with people at work in the Senate,” sabi noon ni Zubiri.

Source :

Twitter, Inquirer

Loading…