Sen. Manny Pacquiao, pinayuhan si Matteo Guidicelli sa gusot sa mga magulang ni Sarah Geronimo

Imahe mula sa Instagram | Manny Pacquiao at Matteo Gudicelli
  • Pinayuhan ni Sen. Manny Pacquiao si Matteo Guidicelli kaugnay sa kontrobersyal na kasal ng huli kay Sarah Geronimo
  • Naranasan din daw nila ito ng asawang si Jinkee Pacquiao dahil hindi sumipot ang mga magulang ng senador sa kanilang kasal dahil hindi nila gusto noon si Jinkee
  • Payo ni Sen. Pacquiao, huwag awayin ang mga magulang dahil katagalan ay matatanggap din nila ito

Nagbigay ng payo si Sen. Manny Pacquiao sa aktor na si Matteo Guidicelli dahil naiintindihan niya raw ang pinagdaraanan nila ng misis nitong si Sarah Geronimo.

Imahe mula sa Instagram | Manny Pacquiao

Sa Facebook live ng One Voice Pilipinas, ikinuwento ng senador na noong ikinasal sila ng asawang si Jinkee Pacquiao ay tanging mga kaanak lamang ng huli at isang kapatid niya ang dumating dahil hindi raw gusto ng kaniyang pamilya si Jinkee.

“What happened to you now, it happened to us ni Jinkee before…Same thing with you. Parehong pareho talaga,” sabi ni Sen. Pacquiao.

Dagdag niya, kalaunan ay napagtanto rin ng kaniyang ina na kailangan niyang suportahan ang ikaliligaya ng anak.

“Later on, noong nakita niya kami na masayang pamilya, nagkaroon na siya ng apo, at saka unti unti niyang naintindihan na kailangan palang suportahan ang anak para maging masaya,” kuwento niya.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Nakatulong din daw na ipinakita nila ng asawa na mahal nila ang kanilang mga magulang. “Maiintindihan nila so ‘wag lang nating awayin ‘yung magulang natin. Iisa lang ang magulang natin. Kapag sila, nawala na, mahirap,” aniya.

Sumang-ayon naman dito si Matteo na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan. “That’s very true. I’m taking in account every single word from Sen. Manny,” sabi niya.

Ikinasal sina Sarah at Matteo sa isang secret wedding noong Pebrero. Nabalutan ito ng kontrobersiya matapos ireklamo ng guard ni Sarah si Matteo dahil umano sa panununtok nito. Dito na rin lumabas ang ibang detalye ng kaganapan sa kasal kagaya ng pagwawala raw ni Mommy Divine dahil inilihim ito sa kanila.

Kalaunan ay nakipag-ayos naman ang guard sa kampo ni Matteo. Hindi na rin naglabas ng pahayag si Mommy Divine tungkol dito.

Source :

Facebook

Loading…