Sen. Sonny Angara, parecover na mula sa COVID-19

Imahe mula sa Instagram | Sonny Angara at Senate
  • Nakakarecover na si Sen. Sonny Angara mula sa COVID-19
  • Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi niya ang magandang balitang ito kalakip ang pasasalamat sa panalangin at sa mga healthcare workers
  • Kamakailan lamang ay inamin niyang nag-positibo siya sa virus at nakararanas ng ilang sintomas nito

Pa-recover na raw mula sa COVID-19 si Sen. Sonny Angara.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay nagbahagi siya larawan kalakip ang caption na “Recovering. Thanks to your prayers and some good medical attention.”

Imahe mula sa Instagram | Sonny Angara

Kamakailan lamang ay kinumpirma ng senador na nagpositibo siya sa virus at nakararanas din ng mga sintomas kagaya ng mild fever, ub0, sakit ng ulo, at panghihina. “I have not been in contact with the public since taking the test last March 16. I ask for your prayers that together, we are able to pull through this tremendous challenge,” aniya noon.

Samantala, ang kaniyang asawang si Tootsy Angara naman ay naging emosyonal sa pagbabahagi na namimiss na niya ang asawa at ikinalulungkot niyang hindi niya iyo naaalagaan tulad ng pag-aaruga nito sa kaniya kapag siya ang may sakit.

“It was sad I could not give him a big tight hug to say it was going to be okay when he got his results,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Tootsy Angara

“I feel sad that we can’t be there for him and he has to go through this physically alone. It’s lonely for all of us but we know it’s just a matter of time.”

Inamin niya rin na may mga pagkakataong umiiyak siya dahil hindi niya alam kung ano ang puwede niyang gawin upang matulungan ang asawa. “But I choose to be strong and realized that prayer calmed my heart and made me believe Sonny is going to be okay.”

Bukod dito ay nakararanas din sila ng diskriminasyon mula sa ilang kapitbahay na nais silang paalisin. Natakot na rin daw ang iba na mag-deliver ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Sa kabila nito ay may mga kaanak at kaibigan na sumuporta sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng tubig, pagkain, gamot, at maging oxygen. “I am forever grateful for all the beautiful and kind souls God blessed us with,” aniya.

Loading…