Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19

Imahe mula sa kidapawan.gov.ph
  • Nagpositibo sa COVID-19 si Sen. Juan Miguel Zubiri
  • Si Health Sec. Francisco Duque raw mismo ang naghatid sa kaniya ng balitang ito kaninang hapon
  • Sumailalim siya sa self quarantine noon pang Miyerkules matapos mapabalitang nagpositibo sa COVID-19 ang isang resource person sa Senado

Positibo si Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri sa COVID-19.

Kinumpirma ito ng senador sa isang Facebook post. “To my dear fellow Filipinos, my Kababayans. It is with sadness that I announce that I am positive for COVID-19,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Juan Miguel Zubiri

Sumailalim daw siya sa test noong Biyernes at nitong hapon raw ay tinawagan siya ni Health Secretary Francisco Duque upang ipaalam sa kaniya ang resulta.

Inamin niyang ikinalungkot niya ang balitang ito. “My heart sank with what he had said but I am uplifted with the fact that I am asymptomatic and have no fever or cough nor am I weak or have any headaches,” dagdag niya.

Ikinagalak din niya ang desisyon na mag-self quarantine noong Miyerkules dahil naprotektahan niya ang kaniyang pamilya mula sa COVID-19. Sinigurado niya rin daw na sinusunod niya ang social distancing measures at umiwas sa pakikipagkamay.

“As one of those very early on in the Senate who espoused and advocated for stronger government response on controlling COVID-19, I was very careful in my dealings with people at work in the Senate,” sabi ni Zubiri.

Imahe mula sa Senate

Sa kabila ng mga hakbang na ito ay nahawaan pa rin siya, kaya naman patunay raw ito kung gaano kabilis kumalat ang COVID-19.

“I practiced social distancing as well as a no handshake policy and yet I got contaminated… This just goes to show how easily this virus is spread and therefore it is best for everyone to stay home and stay clean,” paliwanag niya.

Mananatili raw siya sa isolation ng 10 pa araw hanggang sa muli siya ma-check.

“Sa aking mga Kababayans, makinig po tayo sa mga babala ng Gobyerno at ‘wag na po kayo lumabas sa inyong mga tahanan. God bless us all,” pagtatapos niya.

Matatandaang isa si Sen. Zubiri sa mga nag-self quarantine matapos ma-expose sa isang resource person na nagpositibo sa COVID-19.

Source :

Facebook

Loading…