Shopping malls pansamantalang isara, hiling ng Metro Manila mayors

  • Nanawagan ang mga Metro Manila mayors na pansamantalang isara ang mga shopping malls at iba pang establisimyento bago simulan ang community quarantine
  • Exempted sa panawagan ang mga negosyong nagbibigay ng importanteng serbisyo gaya ng groceries, bangko, at botika
  • Magpapatupad din ng curfew mula 8 p.m. hanggang 5 a.m. sa buong Metro Manila kasabay ng pagpapatupad ng quarantine

Nanawagan ang lahat ng mayor sa Metro Manila sa mga shopping malls at iba pang establisimyento na pansamantalang itigil ang kanilang operasyon bago simulan ang 30-day community quarantine na magsisimula sa Linggo ng hatinggabi, ika-15 ng Marso.

Imahe mula sa Wikipedia

Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia sa isang press conference na naglabas ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) na nananawagan sa mga local government units na gumawa ng mga ordinansa para sa pansamantalang pagsasara ng mga malls at ibang establisimyento.

“Sa ganitong panahon sino pa ba ang mag sho-shoping ng bagong damit, bagong sapatos? Hindi ‘yan kailangan, hindi ‘yan priority,” sambit ni Garcia.

“The MMC strongly recommend to all Local Legislative Councils of the NCR to issue ordinary ordinances for the temporary close of malls and establishments of the same kind, except those offering essential services from 14 March 2020 until 13 April 2020, subject to day-to-day evaluation and other exemptions that their city or municipality may enact,” ayon sa resolusyon na binasa ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ang mga negosyo na nagbibigay ng mga importanteng serbisyo katulad ng mga groceries, banko, mga restaurant na may home deliveries, botika at mga nagbibigay ng medical services ay exempted sa panawagan ng mga Metro Manila mayors.

Imahe mula sa MMDA

Sinabi naman ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, nang hingan siya ng opinyon hinggil sa hiling ng mga alkalde, na napag-usapan din sa Inter-agency Task Force meeting ang suhestyon na pansamantalang isara ang mga shopping malls.

“So upon assessment, it will be safer to close them except for basic stores,” sabi ni Sec. Lopez.

Simula sa March 15 ay magpapatupad na rin ng curfew sa Metro Manila mula 8 ng gabi hanggang 5 ng madaling araw bilang bahagi na ng community quarantine para pigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Imahe mula sa PIA

Loading…