Short-term visitors, OFWs hindi na papapasukin sa Singapore simula hatinggabi ng March 23, 2020

  • Border ng Singapore isinara na sa mga short-term visitors at mga foreign workers
  • Ang mga semi-skilled foreign workers ay hindi na muna pababalikin kung ang trabaho ay walang kinalaman sa health care at transport
  • Nanawagan ang Singaporean Prime Minister sa mga mamamayan na suportahan ang mga ginagawang hakbang laban sa salot

Isang araw matapos kumpirmahin ang dalawang mamamayan nito na sinawimpalad na hindi nakaligtas sa salot na nanalasa sa buong mundo, isasara ng Singapore ang borders nito sa mga bisita at foreign workers simula hatingggabi nitong Lunes, ika-23 ng Marso.

Imahe mula sa Al Jazeera

Sa ilalim ng bagong patakaran, ang mga short-term visitors ay hindi na maaaring bumisita o dumaan sa Singapore. Samantalang ang mga semi-skilled workers na may “work passes” ay hindi na rin muna pababalikin maliban na lang kung ang trabaho nila ay kabilang sa sector na nagbibigay ng mahalagang serbisyo gaya ng health care at transport.

Ayon kay Minister Lawrence Wong ng Ministry of National Development, ang desisyon ay ginawa dahil sa lumalalang pandemic.

Pahayag ng Ministry of Health, 80% ng bagong kaso ng mga nagpositibo sa virus sa Singapore sa nakalipas na ilang araw ay “imported”;  karamihan sa kanila ay Singapore residents at holder ng Long Term Passes na bumalik doon galing sa ibang bansa.

Inanunsyo rin ng Singapore government na palalawigin pa nito ang social distancing measures upang makontrol ang pagkalat ng sakit. Lahat ng events at pagtitipon na may 250 o higit pang tao ay ipagbabawal hanggang June 30 at ang mga social activities ng government agencies para sa mga senior citizens ay mananatiling suspendido hanggang April 17.

Imahe mula sa Twitter

Ang mga retailers at food and beverage operators ay inatasan na maglaan ng espasyo sa mga customers sa pamamagitan ng paglalagay ng marka sa sahig  kung saan sila dapat pumila at paglalagay ng limitasyon sa bilang ng customer na maaaring papasukin nang sabay-sabay sa loob ng outlet.

Nanawagan si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa mga mamamayan na sumunod sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para masawata ang salot.

Imahe mula kay Ee Ming Toh
Source :

Al Jazeera

Loading…