Shout out noon ni Mayor Vico Sotto, muling binalikan

  • Binalikan ng mga netizens ang shout out ni Mayor Vico Sotto noon sa Facebook page ng isang pamantasan
  • Bagong halal pa lamang noon si Mayor Vico bilang alkalde ng Pasig City
  • Pagiging strategic at malinis na pamumuno ang armas ng bagitong mayor na hinahangaan ngayon dahil sa kaniyang mga programa kaugnay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon

Naging daan umano ang krisis ng COVID–19 upang malaman ng mga tao ang taglay na kahusayan at pagmamalasakit ng mga opisyal ng pamahalaan na noong mga panahon ng pangangampanya sa halalan ay halos ipangako ang lahat, matiyak lamang na ang isang puntos ng boto sa balota ay mapupunta sa kanila.

Dahil dito, isa sa mga itinatangi ngayong mayor sa Pambansang Punong Rehiyon si Mayor Vico Sotto ng Pasig City. Hindi lamang mga taga–Pasig ang humahanga sa kaniya kundi maging ang mga ibang taga lungsod, dahil sa husay at bilis niya sa pagdedesisyon at pagpapakita ng malasakit sa kaniyang mga nasasakupan.

Imahe mula sa Facebook page na “Humans of Ateneo”/Public Domain Image

Kaya naman, muling pinag–usapan ng mga netizens ang “shout out” ni Vico na makikita sa Facebook page na “Humans of Ateneo” kung saan mababasa ang maikling salaysay hinggil sa pagiging public servant niya. Si Mayor Vico ay nag–aral sa Ateneo De Manila University.

Salaysay niya, matapos daw niyang makapagtapos sa Ateneo, agad siyang nanilbihan sa public office subalit dahil idealistic pa siya, nakaramdam umano siya ng frustration sa mga “institutionalized practices” na nakasanayan niya. Minabuti niyang magbitiw sa tungkulin at naisipang mag–aral ng master’s, subalit ipinayo ng isang malapit na propesor na magtrabaho siya sa kaniya upang magkaroon siya ng sapat na karanasan at mai–aplay ang mga natutuhan.

“Government watch and political democracy and reform yung programs ko, under din ng ASOG (Ateneo School of Governmanet) pero napaka-independent. I was there for less than a year, pero sa totoo lang, doon talaga ako nahasa. Especially with the way I think: how to push for governance reforms, inaral ko lahat ng ginawa nila in the past, at ano yung engagement nila sa local governments,” ayon sa post ni Mayor Vico.

Dagdag pa niya, “After that, I resigned and decided to run for councilor. I was well prepared, and that job in ASOG really helped me. No credit to myself, kasi sinwerte lang ako na napunta ako sa government watch a few months before I ran. Naisip ko, paano kung tumakbo na ako right after college?”

Subalit mabuti na lamang daw at hindi niya itinuloy ang pagtakbo pagkatapos sa kolehiyo. Aniya, “Malamang magiging corrupt na rin ako kung ganun. I strongly believe that anyone can be corrupt; we can’t think too highly of ourselves. Pag pumasok ka sa kaguluhang ‘yan, pag pumasok ka sa giyera na di ka handa, mawawala ka talaga.”

Public Domain Image

Nang simulan umano ni Mayor Vico ang pagpasok sa politika, matibay ang kaniyang mga prinsipyo. “No vote buying” hindi tatanggap ng kickback, at hindi mananakit ng tao. Malinaw umano sa kaniya na kapag may nag-alok sa kaniya, kahit 10,000 piso o 10 bilyong piso, tiyak na mawawala na siya sa tamang landas. Ayaw umano niyang matulad sa mga politikong maganda ang intensyon noong una, subalit sinira ng mga taong may maitim na motibo.

Minabuti umano niyang mapalibutan ng mga taong may katuald niyang prinsipyo na susuporta sa kaniyang mga desisyon.

Sabi niya, “When you’re in the middle of the storm, it’s very easy to lose sight of the future, it’s easy to lose sight of your principles and your beliefs. I need people who are with me and will be able to confront me and tell me that I’m at that point already.

Marami umano sa mga “institutionalized practice” na matagal nang ginagawa kahit mali, ang patuloy pa ring ginagawa at mahirap baguhin. Iyon daw ang naging malaking hamon para sa kaniya: ang magpakilala ng pagbabago. Subalit mahirap daw ito, lalo na kung ito na ang matagal na kalakaran o nakasanayan na.

“So, the biggest challenge for me as someone who wants to push for change —however far we can go with it— has nothing much to do with my age. It’s really the culture of government, and the norms that are already in place. It’s hard to introduce change in a very bureaucratic, procedural, and rigid government.”

Binanggit ni Vico ang “Analogy of a giant wheel” ni Jim Collins.

“A giant wheel, when you start to push it, nothing will happen. If there are two of you, baka nothing will happen pa rin. But, if there are 10 of you pushing, maybe it will move a little bit. If you get more and more people to help you and you start to strategize—baka dapat may lever dito, may maghatak dito, dito yung strategic angle to push this wheel—then eventually the wheel will start to move an inch or two, will start to move a foot.”

Dagdag pa niya, “Eventually, it will start to increase its speed. When it starts to gain momentum, actually, the opposite is now the problem: mahirap na siya pigilan. If you try to get in front of the wheel, you will probably get hurt from trying to stop it.

Sa pagkapanalo umano ni Mayor Vico bilang alkalde ng Pasig City, alam niyang hindi madali ang susuungin niyang paghahatid ng pagbabago sa lungsod. Kahit nga sign lang sa pintuan, mahirap baguhin. Subalit ang susi raw niya ay ang pagiging strategic at malinis na pamumuno. Kailangan daw maging handa subalit bukas sa kaisipang hindi lahat ng gusto mong baguhin ay mababago mo sa isang iglap.

“Individually, hindi pwedeng, ‘Pasok tayo sa laban!’ pero hindi mo alam kung paano gamitin yung armas mo. Half the battle is being well-prepared: studying the situation, knowing where there will be points of opposition, knowing what you can’t change for now, I think, is an important thing to come to terms with,” ayon sa mayor.

Sa pagpapatuloy, “I think it’s a journey that I think not only people in government will face, but anyone who wants to introduce some type of change. I think a big part of staying sane as someone who’s idealistic is accepting that I can’t change everything at the same time.”

Tinalo ni Mayor Vico Sotto si incumbent mayor Robert Eusebio noong 2019 Pasig local elections, na nagwakas din sa 27 taong pamumuno ng pamilya Eusebio sa Pasig City Mayoralty.

Loading…