Sikat ang lahing pinagmulan: Diego Gutierrez susundan na rin ang yapak ng pamilya sa showbiz

  • Pinasok na rin ng kaisa-isang anak na lalaki nina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon ang mundo ng showbiz
  • Ang 23-taong-gulang na si Diego Gutierrez ay pumirma na ng kontrata sa ilalim ng LVD Management and Consultancy
  • Bagama’t mahuhusay umarte ang mga magulang, maging ang mga lolo at lola, hindi pa siya handa para sumabak agad sa aktingan

Mag-aartista na rin ang kapatid ni Janine Gutierrez na si Diego Gutierrez; ang kaisa-isang anak na lalaki nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

Tulad ni Janine, kitang-kita sa itsura ng 23-taong-gulang na si Diego ang magandang lahi na kaniyang pinagmulan.

Imahe mula sa Facebook page ni Diego Gutierrez

Apo siya nina Pilita Corrales at Eddie Gutierrez sa side ng amang si Ramon at nina Nora Aunor at Christopher de Leon sa side naman ng inang si Lotlot.

Ayon sa report ng Pep, si Diego ay matagal nang hinihikayat ng kaniyang pamilya na pasukin na ang pag-aartista. Ngunit mas hilig daw nito ang pagba-basketball.

Gayunman, nagbago umano ang isip ni Diego at nakapirma na ng kontrata sa LVD Management and Consultancy na pinamamahalaan ni Leo V. Dominguez.

Ayon sa panayam ng Pep kay Diego, hindi pa muna ito sasabak sa aktingan. Bibigyan muna ito ng mga endorsements, commercials, at isasalang sa pagho-host.

Inamin din umano ni Diego na hindi pa niya nadidiskubre ang talento niya sa pag-arte kahit mahilig siyang manood ng telebisyon at ng pelikula.

Kahit mahuhusay na artista ang kaniyang mga lolo at lola, maging ang mga magulang, hindi pa raw talaga siya komportableng umarte.

Sa kabila nito, susubukan naman daw niya ang pag-arte at magsimula sa maliliit na roles.

Samantala, may kumpiyansa naman si Diego sa pagkanta, na maaaring namana niya sa kaniyang Lola Pilita.

Suportado nina Lotlot at Monching ang pagpasok ni Diego sa showbiz kahit matagal na silang hiwalay. Katunayan, sinamahan nila ang anak sa contract signing.

Imahe mula sa Facebook page ni Diego Gutierrez

Pinayuhan daw si Diego ng mga magulan na ihanda lamang ang sarili sa kahit anong dumating na oportunidad.

May non-showbiz girlfriend na si Diego na tatlong taon na niyang karelasyon.

Source :

Pep

Loading…