Singaporeans pinayuhan ng kanilang pamahalaan na mag-ingat sa pagbisita sa Pilipinas dahil sa COVID-19

  • Mga mamamayan ng Singapore pinag-iingat sa pagbisita sa Pilipinas dahil sa COVID-19
  • Ang advisory sa mga mamamayan ng Singapore ay hindi pagbabawal na bumisita sa Pilipinas
  • Mayroong 187 COVID-19 cases sa Singapore sa kasalukuyan

Pinayuhan ng Singaporean Government ang mga mamamayan at residente nito na mag-obserba ng ibayong pag-iingat kapag bibiyahe patungo sa Pilipinas. Ito ay matapos tumaas ang bilang ng mga Pilipino sa Singapore na positibo sa COVID-19.

Imahe mula sa SCMP

Itinuturing ng Ministry of Health ng Singapore na “imported cases” ang dalawang Pilipino na nagpositibo sa covid pagbalik nila sa Singapore mula sa Pilipinas kamakailan lang.

Nilinaw naman ni Consul General Bernie Candolada na ang advisory ng Singapore ay hindi isang pagbabawal sa mga mamamayan nito na bumisita sa Pilipinas.

“Travel with caution is simply a reminder for citizens of the degree of risks they are exposed to once they travel to The Philippines. It means that you are not prohibited to travel there but you should be aware of the danger,” ani Candolada.

Ang mga biyahero na nagbabalik mula sa mga bansang kabilang sa travel advisory ng Singapore ay susuriin sa COVID-19 sa border o sa paliparan.

Sa ngayon ay siyam ang mga Pilipino sa Singapore na nahawahan ng COVID-19. Ang dalawa ay na-discharge na samantalang ang nalalabing pito ay nananatili pa rin sa mga isolation rooms sa mga ospital doon.

Imahe mula sa Today Online

Samantala, ang mga Pinoy household workers doon ay pinapayuhan ng mga employers nila na mag-iingat kapag nag-day off. Ang iba naman ay pinakiusapan na huwag na munang mag-day off, lalo na ang mga households na may mga bata at senior citizens.

Mayroong 187 COVID-19 cases sa Singapore sa kasalukuyan.

Loading…