Single @ 48: Smokey Manaloto hinahanap ang babaeng kapareho ng ina

  • Sa edad na 48, wala pang asawa at anak ang komedyanteng si Smokey Manaloto
  • Kahit pinagtutulakan na siya ng mga kaibigan at kasabayan sa showbiz na mag-asawa na ay hindi ito pa rin nagpapaapekto ang komedyante
  • Naniniwala ang binata na hinahanap ng mga lalaki ang mga babaeng kapareho ng kanilang ina

Sa edad na 48, single pa rin ang komedyanteng si Smokey Manaloto. Kahit kabi-kabila na ang pinasok na relasyon, wala ring naging anak si Manaloto.

Tila napag-iwanan ng kaniyang mga malalapit na kaibigan at mga kasabayan sa showbiz sa usapin ng pagpapamilya ang komedyante.

Imahe mula sa Facebook account ni Brian Manaloto

Sa kabila nito, hindi raw nalulungkot sa buhay si Manaloto na naging iconic sa papel nito bilang “Bill Kosme” sa comedy sitcom na Home Along Da Riles.

Sa isang report ng GMA News, ibinahagi ni Manaloto ang dahilan kung bakit siya single hanggang ngayon.

“I am currently in between relationships. Dry spell na dry spell ako ngayon. Puwede bang sabihin, ito ha, I am alone but I’m not lonely,” pahayag ng komedyante sa panayam ng Tunay na Buhay.

Kinapanayam din ng programa ang malalapit na kaibigan ni Manaloto tulad nina Dennis Padilla at Sylvia Sanchez.

Ayon kay Padilla, todo raw kung magmahal ang kaniyang kaibigan. Namumuhunan daw talaga ito pagdating sa pagreregalo at sa effort nitong maghatid-sundo.

Nagbiro naman si Sanchez na lahat daw ng nakarelasyon ni Manaloto ay puro magaganda kahit hindi kaguwapuhan ang kaibigan.

Pinagtutulakan na nga raw niya ang kaibigan na mag-asawa ito ngunit ayaw raw magpumilit. Gayunman, hiling ni Manaloto na kahit tumanda sila ay sana ay magkakaibigan pa rin sila.

Sa sobrang closeness ni Manaloto kay Sanchez ay naging napakalapit din nito sa mga anak ng aktres, lalo na kay Ria Atayde.

Ano nga ba ang hinahanap-hanap ni Manaloto sa isang babae na wala sa kaniyang mga nakarelasyon?

Imahe mula sa Facebook page ni Smokey Manaloto

“Basta ‘yung mahal ako. Ang pangit lang sigurong marinig ito, siguro nakakasawa na ring pakinggan ito, pero naniniwala ako na ‘yung mga lalaki gusto nilang mahanap ‘yung mga babaeng kapareho ng nanay nila,” paliwanag ni Manaloto.

Ayun naman pala, may punto ang binata sa kung ano ang hinahanap na babae.

Source :

GMA News

Loading…