Social distancing nalimutan sa photo op ni Pacquiao, PNP officials

  • Social distancing tila nalimutan sa photo op ni Sen. Pacquiao at PNP officials
  • Nagtungo ang senador sa Camp Crame para ibigay ang donasyong 200,000 face masks
  • Sinabi naman ni ni P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar na sinikap niyang dumistansya sa mga taong nasa event

Isa ang social distancing sa mga hakbang na makatutulong sa pagpigil sa lalo pang paglaganap ng COVID-19, ngunit tila nalimutan itong gawin nina Senator Manny Pacquiao at ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa isang seremonya.

Imahe mula sa PNP

Napansin ng mga netizens sa mga larawang ibinahagi ng PNP sa Facebook page nito na magkakalapit sila sa isa’t isa habang nag-pose sa photo op sa turn-over ceremony ng mga face masks na donasyon ng senador noong Martes, ika-17 ng Marso.

Sa ilalim ng social distancing, ang mga tao ay mayroon dapat distansya ng at least one meter sa bawat isa kapag nasa publiko. Ito ay upang hindi mahawa sa taong carrier ng SARs-COV-2, ang virus na nagdadala ng COVID-19.

“Too late, you forgot social distancing,” sabi ng isang netizen sa comment section sa post ng PNP.

“Thanks, Manny, pero nasa’n na’yung social distancing?” sabi pa ng isa.

“Bakit kayo magkakalapit? May handshake pa! Pero maraming salamat Sen. Pacman,” ayon naman sa isa na nagpasalamat sa ginawang donasyon ng senador.

Ayon sa post ng PNP, nagtungo si Sen. Pacquiao sa Camp Crame, ang headquarters ng PNP, dahil nag-donate ito ng 200,000 face masks para sa mga frontliners na nangunguna sa pagtugon sa health crisis.

Imahe mula sa PNP

“Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao through the Department of Social Welfare and Development turns over face masks to COVID-19 frontliners (RITM, PNP, AFP, and MMDA) on March 17, 2020 in Camp Crame, Quezon City.”

Pinangunahan ni P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagtanggap sa mga face masks.

Sa isang panayam, sinabi ni Eleazar na sinikap niyang dumistansya sa mga taong nasa event.

“Lumalayo nga ako. If you can observe, lagi akong nasa likuran and always saying to observe social distancing. I never removed my mask even during my speech and media interview,” aniya.

Imahe mula sa PNP
Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…