Social distancing para iwas-COVID-19, malaking hamon sa mga maralita na sumasakay sa siksikang mass public transport

  • Social distancing laban sa pagkalat ng COVID-19 dapat gawin
  • Ang social distancing ay ang pag-iwas sa mga matataong lugar, pakikipagkamay, beso-beso at ang pagdistansya ng isang metro sa taong umuubo o bumabahing
  • Imposibleng gawin ang social distancing sa mga public transport na araw-araw ay siksikan

Social distancing, ito ang madalas marinig  ngayon na bukambibig ng publiko at mga health officials sa gitna ang biglang pagdami ng bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus sa bansa nitong nakalipas na ilang araw.

Imahe mula sa Philippine News

Ano ba ang ibig sabihin ng social distancing?

Dahil madaling makahawa ang virus na nagsasanhi ng COVID-19, ipinapayo ng mga health officials na mag-practice ang publiko ng social distancing. Kabilang dito ang pag-iwas hangga’t maaari sa mga mass gatherings o sa mga matataong lugar, pagbeso-beso, handshake at anumang body contacts.

Kabilang din sa social distancing ang pagdistansya ng at least one meter sa mga taong bumabahing o umuubo. Nagsasaboy kasi sila ng maliliit na liquid droplets na posibleng may  virus na maaaring pumasok sa sistema ng katawan mo kapag nalanghap mo iyon dahil masyado kang malapit sa taong umubo o bumahing.

Inamin ni Department of Health Secretary Francicco Duque III na malaking hamon ang pagsasagawa ng social distancing para sa mga maralita sa ating lipunan na tumatangkilik sa public mass transportation system ng bansa gaya ng mga bus, jeepney, PNR train, LRT at MRT na siksikan araw-araw.

“Ako na po mismo ang umaamin sa Inyo na ‘yung pagtugon naman sa mga ating mas mahihirap na mga kababayan, ‘yung mga informal sectors, yung mga sumasakay po sa mga mass public transport, talagang napakalaking hamon po ito,” pag-amin ni Sec. Duque.

Imahe mula sa Business Mirror

Imposible nga namang makadidistansya ng isang metro ang bawat isa sa mga siksikang pampublikong sasakyan.

“Nakakatakot, pero kami, sa part ng commuter, wala ring magagawa,” sabi ng isang commuter.

May ipinatutupad namang precautionary measures ang mga operators ng public transport bilang pagsunod sa memorandum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board gaya ng pagsusuot ng face mask ng driver at konduktor, paglalagay ng alcohol na magagamit ng mga pasahero at regular na pag-disinfect sa mga pasilidad.

Imahe mula sa CDODev

Pero aminado rin si Transportation Undersecretary Reinier Paul Yerba na pinag-aaralan pa nila kung paano gagawin ang social distancing.

“Siyempre the reality is maraming tao, congested. Pinag-aaralan pa namin kung paano gagawin ‘yun, ‘yung may one-meter distance,” aniya.

Screenshot mula sa GMA video

Loading…