Social distancing, sinunod ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado sa pagdiriwang ng anibersaryo

Imahe mula sa Facebook | Lani Mercado Revilla
  • Hanggang tanaw na lang muna sa isa’t isa ang mag-asawang sina Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla para sa kanilang ika-34 wedding anniversary
  • Sumasailalim kasi sa 14 na araw na self quarantine si Mayor Lani matapos ma-expose sa isang COVID positive
  • Nagpalitan na lamang din sila ng matatamis na mensahe sa kani-kaniyang Facebook account kalakip ang larawan na nagpapakitang sinusunod nila ang social distancing

Flying kiss at tanaw sa malayo na lang muna ang ginawang pagdiriwang ng ika-34 wedding anniversary nina Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla.

Imahe mula sa Instagram | Lani Mercado

Sumasailalim kasi si Lani sa 14 na araw na self quarantine matapos niyang ma-expose sa isang COVID positive.

“You are so near yet so far. Malayo man tayo sa isa’t isa, Mama, narito ka naman sa aking pus0 palagi. Social distancing man, our love will never know any distance,” sabi ng senador sa kaniyang post. “Salamat sa iyong walang katumbas na pagmamahal. Mahal na mahal kita.”

Dagdag pa niya, marami na silang pagsubok na pinagdaanan kabilang na rin ang COVID-19 ngunit umaasa siyang sa pamamagitan ng pananalig ay malalagpasan din ito.

Imahe mula sa Instagram | Bong Revilla

“Napakarami nating pagsubok na pinagdaanan, kasama na itong pagsubok na kinahaharap hindi lang natin kundi ng buong bayan at ng buong mundo. Pero sa kabila ng matitinding pagsubok, tayo ay nagtatagumpay at nangingibaw dahil sa ating pagmamahal at pananalig sa isa’t isa at sa Panginoon.”

Sa kaniyang post naman, sinigurado ni Mayor Lani na sinusunod nila ang social distancing at home quarantine kahit sa kanilang espesyal na araw. Tiniyak din niya na ginagampanan pa rin niya ang kaniyang tungkulin para sa kaniyang mga nasasakupan.

“Wala akong sakit. Naexpose lang po. Do not worry, everything is under control,” pagtitiyak niya. “Kakayanin natin basta nariyan kayo. Sama sama at tulong tulong.”

Happy anniversary!

Loading…