Socialite pinuna sa “anti-poor” remarks patungkol sa mga taong naipit sa checkpoints; humingi na ng paumanhin

  • Nabatikos ang isang socialite/lifestyle blogger dahil sa binitiwang mga salita patungkol sa mga taong naipit sa checkpoints sa gitna ng enhanced community quarantine
  • Tinawag na insensitive at anti-poor ang mga katagang binitiwan ni Cat Arambulo-Antonio
  • Humingi naman siya ng dispensa sa kanyang mga nasabi

Umani ng mga pambabatikos mula sa mga netizens ang mga insensitibong salita na binitiwan ng isang lifestyle blogger/fashionista patungkol sa mga taong na-stranded sa mga lansangan sa gitna ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Image capture via NO CHILL MILLENNIAL |Twitter

Tinawag ng marami na “insensitive” at “anti-poor” ang mga salitang binitiwan ni Cat Arambulo-Antonio patungkol sa mga manggagawang naipit sa mga checkpoints sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Sa isang video sa kanyang Instagram Story, na reuploaded ng No Chill Millennial ay makikita ang malaking flat screen TV kung saan pinanonood niya ang news update ng CNN Philippines tungkol sa mahigpit na pag-iinspeksyon na ginagawa ng mga awtoridad sa mga checkpoints.  Isang nakaposas na lalaki ang makikitang dinala ng pulis sa patrol car sa naturang TV news report.

Habang pinanonood ang balita sa TV ay maririnig sa background ang boses ng lifestyle blogger.

“God, why don’t you motherf**kers just stay at home? Stay at home! Don’t you guys get it? Tigas ng ulo. This is exactly why they need the military because you f**kers won’t stay at home. Guys, come on.”

Nang mag-trending sa social media ang kanyang pangalan dahil sa kanyang mga sinabi ay agad namang humingi ng dispensa si Cat Arambulo-Antonio sa pamamagitan ng kanyang Twitter at Instagram accounts.

Screenshot mula sa video ni Cat Arambulo-Antonio

“In all humility and sincerity, I would like to apologize for being insensitive. I didn’t mean to undermine anyone — hurt and offend everyone. I should have been more considerate of others who are trying to cope with this crisis. My apologies, too, to the names and brands who got affected. This was a hard lesson for me and I will use this to educate myself and strive to be better. Hoping for your forgiveness and I will try to do whatever I can to help. I’m so very sorry,” aniya sa Instagram post.

Narito naman ang screenshot ng ginawang paumanhin sa pamamagitan ng Twitter :

Screenshot ng tweet ni Cat Arambulo-Antonio
Source :

MSN, Twitter

Loading…