St. Luke’s QC, BGC, hindi muna mag-aadmit ng COVID-19 patients

Facebook | St. Luke's Medical Center
  • Dahil nahigitan na nila ang kanilang maximum capacity, hindi muna mag-aadmit ng COVID-19 patients ang St. Luke’s QC at BGC
  • Bagama’t gusto raw nilang matulungan ang lahat ng pasyente ay may hangganan ang kanilang kapasidad
  • Dahil dito ay hinimok nila ang publiko na sumunod sa preventive measure nang sa gayon ay hindi na madagdagan ang bilang ng mga kas0 ng COVID-19

Hindi muna mag-aadmit ang St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City ng mga COVID-19 patients matapos nilang mahigitan ang kanilang maximum capacity.

Facebook | St. Luke’s Medical Center

Sa isang pahayag, sinabi nilang kung tatanggap pa sila ng mas maraming pasyente ay maaapektuhan ang pagtugon nila sa mga pangangailangan ng kanilang mga pasyente sa kasalukuyan.

“Both hospitals have already exceeded maximum capacity and admitting more COVID-19 patients will seriously impact our ability to deliver the critical level of care and attention patients need at this time,” sabi nila sa pahayag. “We are also treating non-COVID patients on other floors in which their health conditions cannot be compromised.”

Sa kasalukuyan daw ay may 48 na mga COVID-19 positive, 139 patients under investigation, at 592 frontline health care workers na sumasailalim sa quarantine sa dalawang 0spital.

Facebook | St. Luke’s Medical Center

“While it is our desire to extend quality healthcare to every patient that needs our help, we can only do so much at this point,” dagdag pa nila.

Gayunpaman, patuloy pa rin daw ang outpatient COVID-19 testing para sa mga papasa sa criteria na ibinigay ng Department of Health. Ipadadala raw ang nakuhang specimen sa RITM. Patuloy pa rin daw ang magiging operasyon ng kanilang emergency room para sa outpatient medical services.

Dahil dito, pinapayuhan nila ang publiko na makipagtulungan sa pag-iwas sa COVID-19 sa pamamagitin ng pagsunod sa mga preventive measures na itinalaga ng pamahalaan.

“Please help us flatten the curve by staying at home. Protecting ourselves means protecting the health of our loved ones as well,” pagtatapos nila.

Source :

Facebook

Loading…