Staff ni Isko Moreno, nagbahagi ng appreciation post para sa alkalde

Imahe mula sa Facebook | Cessy Garcia at MPIO
  • Ibinahagi ng isang staff ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagkilos nito sa likod ng camera
  • Ani Cessy Garcia, kahit ilang oras pa lamang ang pahinga ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang alkalde
  • Ito raw ang dahilan kung bakit kahit ilang araw na silang hindi nakauuwi sa kanilang pamilya ay nananatili silang tapat sa tungkulin

Ibinahagi ng staff ni Manila Mayor Isko Moreno kung ano ang ginagawa ng alkalde sa likod ng camera.

Imahe mula sa Facebook | Cessy Garcia

Kuwento ni Cessy Garcia, ilang oras lamang ang pahinga ni Moreno dahil 2 a.m. na natapos ang kanilang live broadcast tungkol sa COVID-19 health survey at educational campaign noong isang araw.

“Here’s Mayor Isko few hours after: Bagong gising. Naka-shirt. Naka-shorts. Naka-tsinelas. At higit sa lahat, nagtra-trabaho,” sabi niya sa post na may kalakip na larawan ng alkalde.  Aniya, ipinakikita ni Moreno sa staff kung paano gawin ang acetate face shield na gagamitin ng frontliners.

Dagdag pa ni Cessy, noong simula pa lang ng enhanced community quarantine ay sa city hall na sila natutulog ngunit nagsisilbing inspirasyon nila ang dedikasyon ng kanilang boss.

“Nakakahiyang maging tamad kung ganito kasipag ang boss mo, tapos out of nowhere na susulpot sa office mo to check ang progress ng work ang kumustahin ang mga staff,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Cessy Garcia

Sa likod daw ng live broadcasts at updates na ibinibigay ng mayor ay “sleepless nights, constant running, endless meetings, and the sacrifice of not being with our families.” Ngunit hindi raw sila nagrereklamo. “Because at the end of the day, beating coronavirus means protecting our family.”

Masarap din daw sa pakiramdam na maging parte ng gobyerno na sinsero sa paghatid ng serbisyo para sa kanilang nasasakupan.

“Chill lang, Manilenyos. Tulong-tulong tayo. 24/7 ang gobyerno ng Maynila. We will beat COVID-19 together,” pagtitiyak niya.

Matapos isailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon ay inatasan ni Pang. Rodrigo Duterte ang mga local government units na mamuno sa pagpapatupad ng mga guidelines na kanilang inilabas upang matiyak na hindi na kakalat ang COVID-19 sa bansa.

Source :

Facebook

Loading…