State of public health emergency idineklara ni Pang. Duterte kaugnay ng COVID-19

  • Idineklara ni Pangulong Duterte ang nationwide state of public health emergency dahil sa local transmission cases ng COVID-19
  • Ang deklarasyon ay kasunod ng rekomendasyon ng DOH
  • Sa kasalukuyan ay mayroon nang anim na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide state of public health emergency kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa sa anim, kung saan ang dalawang kaso ay itinuturing na local transmission.

Imahe mula sa PCOO

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagdedeklara ng Pangulo ng nationwide public health emergency.

“Yes the President has approved the recommendation to declare a state of public health emergency,” wika ni Panelo.

Aniya, tiwala si Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na ideklara ang state of public health emergency kasunod ng ginawa nitong pagtaas sa code red sub-level 1 alert para sa COVID-19.

“The said proposal has been raised to the attention of the President, who has agreed to issue such declaration after considering all critical factors with the aim of safeguarding the health of the Filipino public,” pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo.

Kabilang sa mga posibleng epekto ng deklarasyon ng nationwide public health emergency ay ang hindi pagtataas ng presyo ng mga piling produkto at pagpapabilis ng proseso sa pagbili ng mga medical supplies.

Imahe mula sa Philippine Emergency Alerts Facebook page

Sinabi naman ni Sec. Duque ng DOH na dahil sa deklarasyon ay mapapabilis ang access nito sa financial resources na magagamit sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ang code red sub-level 1 alert ay itataas ng DOH sa sub-level 2 sa oras na may naiulat na mas maraming transmissions na magbubunsod para magsagawa ng m ga community-wide lockdown. Sa sub-level 2 ay susupindehin na rin ang pasok sa mga paaralan at trabaho.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang anim na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa DOH

Loading…