Strawberry pandesal, tampok sa bagong pastry business ng netizen sa Bukidnon

  • Kakaiba ang pandesal na ibinida ng netizen sa kanilang lugar sa Bukidnon
  • Ayon sa post nito, tampok ang strawberry pandesal bilang produkto ng kaniyang ina sa kanilang bagong pastry business sa probinsiya
  • Maliban sa tinapay na may bagong panlasa, nag-o-offer din umano ng libreng delivery ang netizen para sa mga nais bumili ng kanilang strawberry pandesal

Kakaiba sa paningin ang kulay at itsura ng pandesal na siyang ibinida ng isang netizen sa social media.

Imahe mula kay Alyannah Abigail Fabela | Facebook

Sa post ng netizen na kinilalang si Alyannah Abigail Fabela sa Facebook noong March 4, makikita ang kakaibang tinapay na maaari nang matikman ng mga mamamayan sa kanilang lugar sa Maramag, Bukidnon.

Ayon sa netizen, tampok ang strawberry pandesal na iyon bilang produkto ng kaniyang ina sa bago nilang pastry business sa probinsiya.

“I’ll be endorsing the first ever strawberry pandesal only at Maramag, Bukidnon,” sabi nito sa post.

Dagdag pa niya, “My mom’s putting up a business here and I am proud to say she’s the only baker who brought strawberry pandesal pa dani sa Maramag.”

Makikita sa larawang ibinahagi ni Alyannah ang kaibahan ng itsura ng kanilang bagong produktong tinapay o ang strawberry-flavored pandesal sa kulay o itsura ng tradisyunal na pandesal na nakasanayan ng maraming Filipino.

Ipinakita rin ni Alyannah sa larawang kaniyang in-upload ang strawberry jelly na matitikman sa loob mismo ng kanilang gawang tinapay.

Ayon pa sa netizen, hindi lang bago sa panlasa ang kanilang strawberry pandesal. Nag-o-offer din sila ng libreng delivery para sa mga nais mag-order at makatikim ng kanilang produktong tinapay.

Imahe mula kay Alyannah Abigail Fabela | Facebook

“Order yours now and we deliver for free! May minimum order po basta magpa-deliver. Hehe,” ani Alyannah sa post.

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagka-excite na matikman ang bago at kakaibang strawberry-flavored pandesal na ibinida ni Alyannah sa social media.

Pagkatapos ng cheesy-ube pandesal,halina’t mag-strawberry pan naman!

Source :

Facebook

Loading…