Sunshine Cruz, may pasaring sa nagsasabing ‘drawing’ lamang ang nangyari kay Kim Chiu

  • Pinasaringan ni Sunshine Cruz ang taong nagsasabing ‘drawing’ lamang ang kinasangkutang insidente ng kaniyang ‘anak’ na si Kim Chiu
  • Dahil sa salitang ‘drawing’, posibleng ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza ang pinatatamaan nito
  • Ipinaliwanag ni Sunshine na hindi unusual ang pagtulog sa loob ng van kung 6am ang call time ng mga artista

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang naganap na insidente kung saan naging biktima nito ang aktres na si Kim Chiu.

Noong umaga ng Marso 4, 2020 ay naganap ang pananambang sa sinasakyang van ng aktres. Sa kabutihang-palad, walang napahamak sa mga lulan ng van dahil sa insidente.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu

Gayunman, ikinataas ng kilay ng maraming personalidad ang pagdiretso ni Kim sa trabaho o sa set ng pinagbibidahan niyang serye na Love Thy Woman.

Isa sa mga hindi naniniwala sa nangyari ay ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza kung saan tinawag na “drawing” lamang ang insidenteng iyon.

Ayon sa isang Facebook post ni Sonza, para sa mga beterano at batikang journo, ang istorya umano ni Kim ay isang malaking ‘drawing’.

“Sa totoo lang napakaraming butas ang sanaysay ni Ms. Chiu. Let’s just take it at face value. The incident is under investigation by the authorities,” aniya.

Tila naman patama kay Sonza ang isang Instagram story ni Sunshine Cruz, na gumaganap bilang ina ni Kim sa seryeng Love Thy Woman.

Image via Instagram |Sunshine Cruz

Samantala, nakapagpost din si Kim sa kaniyang Instagram account ukol sa insidente at tiniyak sa mga nagmamahal sa kaniya na siya ay ligtas, maging ang mga kasama niya sa loob ng van.

Ayon sa police report, dalawang tao ang nanambang sa sinasakyang van ni Kim.

“Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyong dalawa. At the end of the day, inisip ko na lang  [ay] walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po,” bahagi ng post ni Kim.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu
Source :

Instagram, Pep

Loading…