Supersized pancit canton, pinag-uusapan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Foodlings.PH
  • Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang supersized pancit canton na may anim na servings sa isang pakete
  • Ikinatuwa ito ng isang food blogger dahil gumamit daw ito ng mas kaunting plastic packaging
  • Marami ang natuwa dahil puwedeng puwede na itong pagsaluhan ng malaking grupo

Isa ang instant noodles sa mga go-to food ng mga estudyante o empleyado na laging nagmamadali. Bukod sa madali itong lutuin ay mura rin ito. Ang ilan naman ay talagang hilig lang ang pagkain nito.

Imahe mula sa Facebook | Foodlings.PH

Isa ang Lucky Me! pancit canton sa mga unang brand na maiisip kung pag-uusapan ang instant noodles. Ang isang pack nito ay sapat sa isang tao kaya namn good news para sa ilan ang ibinahagi ng isang food blogger na natagpuan niyang “supersized” pancit canton.

“Great effort from Lucky Me! ha. Sa mga mahilig sa Lucky Me!, 60 percent less plastic dahil six servings na in one pack,” sabi ng FoodFlings.PH Food and Travels sa kanilang post sa Facebook.

Ikinatuwa rin nila na puwede na raw sa mga handaan ang pancit canton na ito.

“Perfect sa isang bandehadong handaan or ipit-ipit na lang kung isa lang kakainin,” anila. Hiling lang nila, sana raw sa susunod, sa halip na plastic ay biodegradable packaging na ang gamitin dito para mas maging eco-friendly.

Dinumog ang comment section ng post ng When In Manila na nagbahagi rin ng balitang ito. May 8.2k reactions at 7.2k shares na rin ito.

Imahe mula sa Facebook | Foodlings.PH

Si R. Quinto, tinawag ito na “Panghanda sa ‘birthday starter pack.'”

Si N. Mendoza naman, sinabing puwede na itong gawing panghanda para sa noche buena. Samantala, si M. Santos naman, sinabing tamang tama ang supersized pancit canton na ito para sa mga groupings at overnight ng mga grupo.

Sabi naman ni Anne R., ganito raw ang kaniyang ihahanda kapah may mga bisita. “Okay ‘yan para kapag may biglaang bisita at biglaang luto,” sabi niya. Biro naman ni Esteve V., sana raw ay may kasama nang boiled egg and susunod na upgrade nila.

Anong masasabi mo sa supersized pancit canton na ito?

Loading…