Tabo ang dahilan kaya hindi nagpa-panic buying sa toilet paper ang mga Pinoy, ayon kay Jo Koy

  • Dahil sa tabo, hindi apektado ng toilet paper shortage ang mga Pinoy, sabi ni Jo Koy
  • Ipinaliwanag niya sa kanyang mga followers na hindi Pinoy kung paano gumamit ng tabo
  • Sabi pa ng Fil-Am stand-up comic, ang isang tabo ay katumbas ng 10,000 rolls of toilet paper

Sa gitna ng panic buying kaugnay sa toilet paper sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Amerika dahil sa banta ng COVID-19, sinabi ng sikat na Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy na may mga taong hindi natatakot na maubusan ng toilet paper – ang mga Pinoy.

Screenshot mula sa video ni Jo Koy

Dahil daw ito sa tabo.

Ipinaliwanag niya sa isang maikling video na ipinost niya sa Twitter kung bakit. “Filipinos have always had a solution to a toilet paper. Must Watch,” caption ni Jo Koy sa video.

“A shortage of toilet paper…Across the country shelves are empty, no Toilet paper,” maririnig ang tinig niya sa simula ng video habang ipinakikita ang mga shelves ng isang tindahan na halos wala nang toilet paper.

“You know who’s not worried about the toilet paper shortage? Filipinos,” aniya habang nasa loob siya ng isang toilet.

“You wanna know why?” tanong niya.

“Cause every Filipino has one of these next to the toilet – a tabo. That’s right! Tabo,” sabi niya habang ipinakita ang hawak na tabo.

Ipinaliwanag niya sa kanyang mga followers na hindi Pinoy kung paano gumamit ng tabo.

“All you do is fill this up with water and clean yourself,” aniya.

Screenshot mula sa video ni Jo Koy

Nagbigay pa siya ng isang “fun fact” tungkol sa tabo. Sabi niya ang isang tabo ay katumbas ng 10,000 rolls of toilet paper.

“Now you’re not only being clean… you’re saving the environment. So why wipe your a*s when you can wash you’re a*s with a tabo,” pagtatapos niya. LOL

Source :

Instagram

Loading…