Taxi driver sa Cagayan De Oro may sariling proteksyon sa loob ng taxi para iwas-COVID-19

  • Taxi driver sa Cagayan de Oro hinangaan sa ginawang proteksyon laban sa COVID-19
  • Pinalibutan niya ng plastic ang driver seat para maiwasan ang direct contact sa pagitan niya at pasahero
  • May suot din siyang disposable gloves para ligtas na makuha ang pamasahe mula sa pasahero

Dumarami na ang mga nagpositibo sa novel coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, gayundin ang mga sinawimpalad na hindi nakaligtas dito kaya naman ibayong pag-iingat ang dapat pairalin ng bawat isa upang hindi mahawahan ng sakit.

Imahe mula kay Marc Ken via Facebook

Sa Cagayan de Oro, isang taxi driver ang hinangaan dahil sa ginawa niyang proteksyon sa sarili, at maging sa kanyang pasahero na rin, laban sa COVID-19. Pinalibutan ng hindi kinilalang taxi driver ang driver’s seat ng plastic sheet sa halip na magsuot ng face mask habang nagmamaneho.

Dahil sa ginawa ay maiiwasan ang direct contact sa pagitan niya at ng pasahero. Nagsuot rin siya ng disposable gloves para ligtas na makuha ang pamasahe mula sa pasahero.

“Good Job kuya! Keep safe. Godbless,” sabi ng isang pasahero ng taxi na kumuha ng ilang larawan ng “isolation room” ng driver.

Isa ang Cagayan De Oro City na mayroong COVID-19 patient na sinawimplad. Siya ang ika-anim sa walong naitala sa buong bansa na hindi nakaligtas sa epekto ng coronavirus.

Dahil sa pangyayari ay nagpatupad ang mga pampublikong paaralan sa lunsod ng preventive measures upang pigilan nag pagkalat pa ng virus.

Imahe mula kay Marc Ken via Facebook

Ang fourth-quarter examinations ay itutuloy ayon sa schedule subalit 10 hanggang dalawampung estudyante lang ang maaaring papasukin sa bawat silid. Nangangahulugan ito na magkakaroon ng maraming schedules sa iba-ibang petsa upang makakuha ng examination ang lahat ng mga estudyante.

Ang moving up at graduation ceremonies ay ipinagpaliban muna.

Hinihikayat naman ni Cagayan De Oro City Mayor ang lahat ng mga mamamayan na makiisa sa mga awtoridad na nagpapatupad ng mga alituntunin upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Imahe mula kay Mayor Oscar Moreno
Source :

Facebook, PNA

Loading…