Teachers inatasan ng DepEd na magbigay ng assignments sa mga estudyante sa gitna ng class suspension

  • Mga guro inatasan ng DepEd na bigyan ng assignments ang mga estudyante bago ipatupad ang class suspensions
  • Ito ay upang magpatuloy pa rin ang learning process kahit nasa bahay lang ang mga estudyante
  • Ang suspensyon ng mga klase ay tatagal mula ika-10 ng Marso hanggang sa ika-14 ng Marso

Bago magdeklara ng limang araw na class suspension sa gitna ng pagkalat ng COVID-19, inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na bigyan ng mga take-home assignments ang mga estudyante.

Imahe mula sa Manila PIO

Ito ay upang maging abala ang mga mag-aaral sa gitna ng class suspension at upang magpatuloy pa rin ang learning process kahit nasa bahay lang sila. Ang suspensyon ng mga klase ay tatagal mula ika-10 ng Marso hanggang sa ika-14 ng Marso.

“Required sila (teachers) na magbigay ng mga assignment sa mga estudyante to allow the process of learning to proceed at home,” pahayag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

“This is really a challenging circumstance, but we understand the public health situation that we are trying to address at this point,” sabi pa niya.

Ang pagbibigay ng take-home assignments, ayon pa rin  kay Malaluan, ay isang paraan na rin para mailayo ang mga mag-aaral sa mga pampublikong mga lugar na maraming tao tulad ng mga sinehan at shopping malls.

Itong intervention na ito of suspension of classes can only be effective if the students will remain at home and will not go to places that exposes them to big crowds,” aniya.

Imahe mula sa CNN PH

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, magiging epektibo lang ang ginawang class suspension kung makikiisa ang mga mga magulang at lokal na pamahalaan sa paniniguro na mananatili ang mga estudyante sa kani-kanilang mga bahay at hindi hahayaang mamasyal sa mga matataong lugar.

Loading…