Telecommuting Act, work from home, nais ni Rep. Alfred Vargas na ipatupad dahil sa COVID-19

  • Isa ang work from home scheme sa mga paraan upang maiwasan ang banta ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa
  • Kaugnay rito ang panawagan ni Rep. Alfred Vargas na ipatupad na ang Telecommuting Act para sa kapakanan ng mga empleyado
  • Ang Telecommuting Act ay pag-aatas sa mga pribadong sector na magpatupad ng alternatibong working arrangement para sa kanilang mga manggagawa

Bagama’t ipinatupad na ang community quarantine sa buong Metro Manila, may mga mamamayan pa rin ang inaaasahan ang pagbiyahe rito araw-araw, lalo na ang mga empleyadong magmumula sa mga kalapit na probinsiya.

Imahe mula sa Facebook page ni Rep. Alfred Vargas

Dahil dito, nanawagan si Quezon City Representative Alfred Vargas sa gobyerno na marapat nang ipatupad ang Telecommuting Act o ang pagsusulong ng alternative working arrangement sa mga pribadong sektor.

Bilang isa sa mga nagsulong ng batas sa Kongreso, isa sa mga mungkahi ni Vargas ay ang pahintulutan na ang mga empleyado na magtrabaho sa kanilang mga bahay at gamitin ang telecommunication o ang computer technology.

Ayon sa report ng Radyo Inquirer, kahit pa ang orihinal na layunin ng Telecommuting Act ay ang maibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila, maaari pa rin itong maisaalang-alang sa panahong ito upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Sa ilalim ng batas, ang mga employer kailangang magkaroon ng mga ‘terms and conditions’ na papabor din sa kani-kanilang mga empleyado.

Ang mga empleyadong sa telecommuting ay bibigyan ng patas na pagtrato sa mga empleyadong nagtatrabaho sa employer’s premises.

Samantala, sa report naman ng Pep, iminungkahi umano ni Vargas na ang mga employer ay maaaring magbigay ng advance na suweldo at mga bonus sa kanilang mga empleyado.

Imahe mula sa Pexels

Hiniling din ni Vargas na magawan ng paraan kung paano maipoproseso nang may kabilisan ang pagpapasahod sa mga empleyado sa mga lokal na pamahalaan.

Kaya maagang pasasalamat sa mga employer na gumawa na ng mga agarang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga empleyado, pati na rin ng mga pamilya nito.

Loading…