TikTok ng buong klase, kinaaliwan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Claudette Ann Eule
  • Naaliw ang netizens sa video na ibinahagi ng isang guro
  • Makikita rito ang kaniyang mga estudyante na sabay sabay na nagti-TikTok
  • Para sa mga netizens, magandang paraan daw ito upang mag-ehersisyo ang mga bata habang nag-eenjoy

Nauuso ngayon ang paggawa ng TikTok videos kung saan maaaring ipamalas ang iyong talento sa pagdub, pagsayaw, o pag-arte. Marami ang gumagawa ng mga video bilang bonding kasama ang kanilang pamilya o mga kaibigan. Ngunit ang pinag-uusapan sa social media ngayon, TikTok video ng isang buong klase na binubuo ng mahigit 20 estudyante.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Ibinahagi ng gurong si Claudette Anne Eule ang sabay-sabay na pag-indak ng kaniyang mga estudyante sa mga trending songs sa TikTok.

“Be a dancer in a very simple way. TikTokers din mga anak. My stress reliever,” sabi niya sa kaniyang post na ngayon ay may 58k reactions at 73k shares na.

Marami ang humanga sa pinagawa ng guro sa kaniyang mga estudyante dahil magandang paraan daw ito upang makapag-ehersisyo ang mga bata habang nag-eenjoy. Siya naman tunay!

“Nakaka-miss ang elementary days. Ang sarap na exercise nito,” komento ni Gho A.

Ang isang netizen, napabalik-tanaw naman sa mga panahon na nag-aaral pa siya at ibinahaging dati raw ay “Chikading” ang inaawit at sinasayaw nila.

Ang iba naman, sinabing makatutulong daw ito sa pagsisimula ng klase upang hindi antukin ang mga estudyante.

Imahe mula sa Facebook | Claudette Ann Eule

“Okay ito before mag-start ang classes. Pampaalis ng antok, tataas pa ang energy which is good for learning,” ani Nida T. Ganito rin ang opinyon ni Ja Lee na nagkomentong “Ang galing ni teacher. Dapat ginagawa ‘yan kapag inaantok ang mga bata lalo na sa hapon.”

Biro naman ni T. Buot, napansin niyang magagaling talagang sumayaw ang mga kabataan ngayon at tila dahil daw ito sa TikTok.

Samantala, ang isang netizen naman, napangiti raw ng video ng guro. “Napa-smile ako doon, promise. Bigla kong nakalimutan ang NCOV-19. Galing naman ng teacher ninyo. Nakaka-proud ka, ma’am,” sabi ni Richelle B.

Source :

Facebook

Loading…