TikTok video ng mga nagbabantay sa checkpoint, naghatid ng good vibes sa socmed

  • Agaw-pansin sa social media ang pagsasayaw ng ilang miyembro ng militar habang nagbabantay sa checkpoint
  • “Time first” muna sila sa trabaho upang magpakitang-gilas sa TikTok video na in-upload ni @paloloyyy
  • Agad namang nag-viral ang kanilang video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Sandaling tumigil ang tensiyon sa checkpoint kung saan naroon ang ilang mga tagapagbantay nito upang maghatid ng good vibes sa social media.

Imahe mula sa TikTok video ni @paloloyyy | mula sa Facebook video ni Sissi Wang

“Time first” muna sila sa trabaho upang magpakitang-gilas sa video na in-upload ni @paloloyyy sa TikTok.

Agad na nag-viral ang kanilang video matapos itong ibahagi sa Facebook ng netizen na kinilalang si Sissi Wang noong March 23.

Sa video, mapapanood ang nakaaaliw na pagsasayaw ng ilang mga miyembro ng militar sa dance song na “You Know I’ll Go Get” na pinasikat ni Noeme Bagundol.

Makikita ang sabay-sabay nilang pag-indak habang nakauniporme at nakasuot ng face mask.

Kapansin-pansin din sa video ang pag-e-enjoy ng mga sundal0 sa panandaliang pagtigil nila sa trabaho.

Sa kasalukuyan ay umani na ang kanilang video ng higit 1.3 million views online at mayroon na rin itong lagpas 90,000 reactions mula sa netizens.

Marami rin ang nagpahayag ng kanilang saloobin matapos mapanood ang video ng mga miyembro ng militar.

“My snappy hand salute, sir. Kahit anong hirap, stress, takot [ang inyong] hinaharap, kailangan na lang mag-enjoy kaysa sabayan ‘yung kalaban na hindi nakikita. Kaya mga kababayan, ako po ay taos-pusong nakikiusap sa inyo. Sumunod po tayo at makipagtulungan sa gobyerno. Please stay at home,” sabi ni AOG.

“‘Yan ang Pinoy game na game kahit saan,” proud na sabi ni MJM.

This is the reason why I love Philippines. They could always find sliver lining during clouds.

Posted by Sissi Wang on Monday, March 23, 2020

“Pati mga officers natin nagti-TikTok na rin. Good vibes lang mga sir. Thank you for the unconditional services amid the pandemic crisis. Salute, mga sir,” pagpapasalamat ni HC.

“Mabuhay ang mga frontliner na kagaya niyo. Kahit sa banta ng C0VID-19 ay nagagawa niyo pa rin sumayaw at magpasaya,” pahayag ni MDCN.

“Wow naman. Galing! Hehehe. Saludo po kami sa inyo mga sir. Ingat po always,” sabi naman ni JTS.

Source :

Facebook

Loading…