Tiktok videos ng adorable senior citizens, kinaaliwan sa socmed

  • Patok sa social media ang TikTok videos ng dalawang senior citizens
  • Sa kabila ng kanilang nakatatandang edad, labis pa rin ang paghataw nina Mommy Vic at Lola Els sa mga makabagong kanta
  • Dahil sa dulot nilang good vibes, agad na umani ang TikTok videos nila nang higit 1 million views ilang araw matapos itong maibahagi sa social media

Viral sa social media ang nakaaaliw na paghataw ng dalawang senior citizens na nakunan sa kanilang TikTok videos.

Imahe mula sa Facebook video ni Mara Arielle

Sa post na ibinahagi ng netizen na kinilalang si Mara Arielle noong March 20, mapapanood ang game na game na pagsasayaw ng dalawang nakatatanda sa mga modernong awitin.

“TikTokers of the year nang dahil sa COVID-19,” pabirong sabi ni Mara sa kaniyang post.

Makikita sa video na kaniyang in-upload ang paghataw nina Mommy Vic, 84-anyos, at Lola Es, 89-anyos, sa mga hit songs sa TikTok.

Kabilang na rito ang “Young Thug” na siyang pinasikat ng American rapper na i Future at “The Weekend” na kinanta ng American singer na si Sza.

Sa kabila ng kanilang nakatatandang edad ay kapansin-pansin na pinag-aralan nila ang steps ng mga kanta. Dahil din dito kaya naman naging “swak” ang kanilang galaw sa panlasa ng maraming netizens.

Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa matapos mapanood ang video nila Mommy Vic at Lola Els sa Facebook.

“Cute! Daig ako. Hahaha,” natatawang sabi ni EAA.

“Wala na. Kabog tayo ng mga lola na itey!” sabi naman ni RVT matapos i-tag ang pangalan ng kaibigan sa comment section ng post.

Posted by Mara Arielle on Thursday, March 19, 2020

“Cutie nman nila lola. Nahawa na sa mga TikTokers,” natutuwang pahayag naman ni JBF.

Dahil na rin sa good vibes na dala ng kanilang video, agad na umani ng million views ang kanilang pagsasayaw sa social media.

Sa ngayon ay mayroon na rin higit 16,000 reactions ang kanilang video, samantalang nasa lagpas 48,000 naman ang nag-share na nito sa Facebook.

Posted by Mara Arielle on Thursday, March 19, 2020

Source :

Facebook

Loading…