Tipid tip: Netizen nilagyan ng label ng masasarap na ulam ang mga itlog

Imahe mula sa Facebook | Jummel Recio
  • Marami ang naaliw sa tipid tip na ibinahagi ng isang netizen
  • Sinulatan niya ang mga itlog ng masasarap na pagkain dahil hanggang sa imahinasyon na lang muna niya makakain ang mga ito
  • Umiiral kasi ngayon ang enhanced community lockdown sa buong Luzon kaya limitado lang ang maaaring makalabas at apektado rin ang hanapbuhay

Isinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kas0 ng COVID-19 sa bansa. Hindi pinapayagan ang mga residente na lumabas sa kanilang tahanan, maliban na lamang iyong mga frontliners at manggagawa sa piling mga industriya.

Imahe mula sa Facebook | Jummel Recio

Bagama’t pinapayagan namang lumabas ang isang miyembro ng pamilya upang bumili ng kanilang pangangailangan ay nagtitipid ang ilan dahil naapektuhan na rin ang kanilang hanapbuhay.

Ang netizen na si Jummel Recio, ibinahagi ang naisip na paraan upang masulit ang 13 pirasong itlog  na mayroon siya — nilagyan niya ang mga ito ng label ng masasarap na ulam at pagaganahin na lang muna ang imahinasyon. “Kailangang magtipid,” aniya.

Ramen, lechon, afritada, calamares, lasagna, yakiniku, caldereta, menudo, adobong baboy, adobong manok, adobong pusit, sushi, at beef stew ang nakalagay sa mga itlog.

Imahe mula sa Facebook | Jummel Recio

Marami ang naka-relate kay Jummel at habang isinusulat ito ay may mahigit 6k shares na ang post.

Biro ni Lorna B., “Ito ang menu niya. Hindi na nakakasawa iyan.” Si Darwin D. naman, tinag ang asawa at sinabing simulan nang sulatan ang mga itlog nila sa bahay para may menu na silang pagpipilian.

Si Deyl G. naman, walang problema kung tanging itlog lamang ang maaaring kainin.

“Oo, mahirap pero lahat naman tayo nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Bilang isang ordinaryong mamamayan ng bansa, ang pagsunod na lang sa alituntunin ng gobyerno ang magagawa natin. Kaya please, sumunod na lang tayo. Matatapos din ‘to. Babalik din sa dati ang lahat in God’s Grace,” aniya.

Ikaw, anong tipid tips ang maibabahagi mo habang umiiral pa ang enhanced community quarantine?

Source :

Facebook

Loading…