Tito Sotto kay Bato dela Rosa: “Being a senator is different from being just a follower of the administration”

  • Sinabihan ni Tito Sotto ang kapuwa senador na si Bato dela Rosa
  • Kaugnay ito ng pahayag ni dela Rosa na sila na raw ang bagong minority
  • Ayon kay Sotto, kailangang matutuhan ni dela Rosa na iba ang pagiging senador sa tagasunod ng administrasyon

Pinangaralan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang baguhang senador na si Ronald “Bato” dela Rosa patungkol sa kanilang trabaho bilang mga mambabatas. Isinaad ni Sotto na dapat ay mapagtanto ni dela Rosa na iba ang pagiging senador sa pagiging tagasuporta ng administrasyon.

“Later on he will realize that being a senator is different than being just a follower of the administration. Minsan kasi, pagka… you are a fledging senator, you will probably have… you will need more time to get the ins and outs’,” sabi ni Sotto.

Latrawan mula sa PNA

Ito ay bilang tugon sa naunang pahayag ni dela Rosa na itinuturing na raw niyang bagong minority ang Senate majority bloc matapos nilang matalo sa botohan tungkol sa isang resolusyon na nagtatanong sa Korte Suprema tungkol sa papel ng Senado sa pagkakansela ng mga kasunduan sa ibang bansa o treaties.

Doseng senador kasi ang bumoto, kabilang ang ilang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa isang resolusyon na naging hakbang ng Senado upang magkaroon ng karapatang kuwestiyunin ang ginawang pagkansela ng Pangulo sa Visiting Forces Agreement (VFA). Nag-abstain naman sina dela Rosa, Christopher ‘Bong’ Go, Aquilino ‘Koko’ Pimentel, Francis Tolentino, at Cynthia Villar.

“On the political side of it, majority against minority, so dapat majority lagi ang dapat manalo. But we’re not able to get the majority vote so meaning, kami na ang minority ngayon sa Senado. Hindi na kami ang majority,” saad ni dela Rosa.

Ngunit hindi naman daw ganito lagi ang kaso, ayon kay Sotto. Hindi naman daw ibig sabihin na natalo sila sa ilang botohan patungkol sa mga batas ay minority na sila. Hindi rin daw nangangahulugan na kapag minority ay laging nananaig sa mga pagpapasya dahil maaari ding sumalungat ang isang senador sa kanyang mga kaalyado. Ito rin umano ang dahilan kung bakit may mga pagdinig sa kanilang tanggapan at hindi basta-basta nagpapasiya.

Latrawan mula sa PNA

“We are all senators. Whether we are in the majority or in the minority, we are an officer or not, pare-pareho kaming mga senators. Tig-iisang boto kami. Ganoon yun,” pagpapatuloy ni Sotto.

Nakarating naman kay dela Rosa ang pangaral ni Sotto na agad namang tinugunan ng bagong senador. Humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga tagasuporta at sinabing hindi pa siya isang statesman at isang ordinaryong senador pa lamang daw.

Loading…