Truck na puno ng toilet paper pinigil sa checkpoint sa kabila ng garantiyang hindi apektado ang delivery ng mga supplies

  • Ilang cargo truck na puno ng toilet paper, hinarang sa isang checkpoint sa Quezon City
  • Ito ay sa kabila ng ipinatutupad na “unhampered movement of cargo” policy sa gitna ng enhanced community quarantine
  • Inatasan ng inter-agency task force ang PNP na hayaan ang paglabas-pasok ng mga supplies sa Metro Manila

Ilang truck na puno ng toilet paper ang hinarang sa checkpoint sa Balintawak, Quezon City sa kabila ng sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na may ipinatutupad na “unhampered movement of cargo” policy sa gitna ng enhanced community quarantine.

Imahe mula sa RMN

Sinabi umano ng mga awtoridad na nagmamando sa checkpoint na kailangan pa ng cargo entry withdrawal permit mula sa Philippine Ports Authority.

Matatandaang sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na upang maiwasan ang supply shortage at pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay pumayag ang pamahalaan na papasukin sa Metro Manila ang mga truck na may dalang food items, pharmaceutical products at iba pang basic necessities.

“Let’s just consider this as birth pains… But we can fix this in due time. Cargo should be allowed in to avoid shortage in supply,” pahayag ng DTI secretary kasunod ng insidente.

“Since the policy is unhampered movement of cargo, the public should not worry that there would be shortage. Supply and prices would be stable because of allowed movement of cargoes,” dagdag pa ng kalihim.

Kahit ang mga cargo ay nanggaling sa mga lugar na naka-lockdown ay dapat pa ring papasukin sa Metro Manila, ayon pa kay Sec. Lopez.

Imahe mula sa Metro News Central

“’Yung cargo unimpeded, unhampered. ‘Pag galing siya sa ibang probinsya, kahit may quarantine o lockdown doon, dapat unimpeded pa rin,” aniya.

At dahil din sa iba pang katulad na mga  insidente, nagbigay ng direktiba sa pulisya ang Inter-agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases na siguruhing walang magiging balakid sa lahat ng uri ng cargo sa mga quarantine checkpoints.

“The Philippine National Police is instructed to allow the unimpeded movement of all types of cargos subject to its authority to conduct inspection, procedures in checkpoints for the purpose of ensuring that protocols on strict home quarantine are observed,” pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang tagapagsalita ng inter-agency task force.

Kaugnay nito, inalis na ng Philippine Ports Authority ang requirement sa mga cargo trucks na kumuha ng clearance mula sa ahensya.

Screenshot mula sa video ng PCOO

Loading…