“Tunganga na naman kami”: Reklamo ng mga Boracay workers dahil sa kawalan ng Chinese tourists

  • Mga residente at negosyante sa Boracay island, apektado ang kinikita dahil sa travel restrictions na ipinatutupad
  • Hindi na pinapayagan ang mga turista mula sa China, Hong Kong, Macau at isang probinsya sa South Korea
  • Sa China at South Korea nanggagaling ang pinakamaraming turistang bumibisita sa Boracay

Unti-unti na sanang nakababangon ang mga residente ng Boracay mula sa pagkawala ng kinikita matapos ang six-month closure nito noong 2018, subalit isa na namang banta sa kanilang kabuhayan ang health crisis na nararanasan sa bansa.

Screenshot mula sa video ng Philstar

Ang Boracay ang nangungunang tourist destination ng bansa at turismo ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente nito.

Mahigit isang taon pa lang ang lumipas nang muling buksan sa mga turista ang Boracay matapos magsagawa ng malawakang paglilinis doon ang Department of Environment and Natural Resources. Muling dumagsa ang mga turista sa mas malinis na ngayong island resort.

Subalit, dahil sa pananalasa ng novel coronavirus na magmula sa Wuhan, China ay nagpatupad ang pamahalaan ng travel restrictions simula noong buwan ng Enero. Pansamantalang hindi na pinapapasok ng bansa ang mga turista mula sa China.

Ang travel restrictions ay pinalawig pa para isama ang special administrative regions ng China kabilang ang Hong Kong at Macau. Bawal na rin ang manggagaling sa South Korean province na North Gyeongsang.

Umaasa ang tourism industry ng Boracay sa China at South Korea dahil doon nanggagaling ang maraming turistang bumibisita. Dahil sa travel restrictions ay muling dumaranas ng pagkawala ng income ang mga negosyante at residente.

Screenshot mula sa video ng Philstar

“Matumal. Super talaga. Simula nung wala nang Chinese at saka Korean wala nang pumapasok. Takot na kasi sila baka mahawahan sila dito ng coronavirus,” ayon sa isang vendor ng mga souvenirs.

Aniya, dati ay bumebenta sila ng hanggang P20,000 kada araw,subalit ngayon ay P1,000 a day na lang.

“Tunganga na naman kami. Nagre-recover pa nga lang, eh,” sambit naman ng isang tourist guide para sa water activities sa isla.

Apektado rin daw sila sa ipinatutupad na lockdown sa Luzon dahil halos lahat ng kanilang supplies ay dumaraan sa Maynila.

Screenshot mula sa video ng Philstar
Source :

Philstar, YouTube

Loading…