Unang MMFF 2020 Summer Film Fest, tuloy na; bigating mga pangalan magtutunggali sa takilya

  • Magkakaroon na ng Summer edition ang Metro Manila Film Festival ngayong Abril
  • Tulad ng MMFF pag Pasko, mga bigating pangalan din sa pelikula ang mga kalahok
  • Mapapanood ang MMFF movies sa Abril 11 hanggang 21 sa mga sinehan sa buong bansa

Dahil madalas maging kontrobersyal ang lineup ng mga pelikulang nakalalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF), napagpasiyahan ng mga opisyal ng nasabing film fest na magkaroon ng isa pang edisyon upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming pelikula na maipalabas taon-taon.

Ngayong 2020, uumpisahan ang MMFF Summer Festival kung saan walong pelikula rin ang maglalaban-laban at matutunghayan ng mga Pinoy movie-goers. Katulad ng MMFF tuwing Disyembre, mapapanood rin ang mga pelikula eksklusibo sa mga sinehan sa bansa sa loob ng ilang linggo.

Larawan mula sa Kapuso blog

Malalaking pangalan din ang kalahok sa mid-year MMFF kabilang ang malalaking movie productions. Pangungunahan ng mga big stars mula sa iba’t ibang network at mga beteranong artista sa na sanay na ring makakuha ng parangal mula sa MMFF.

Una sa mga mapapanood ay ang pelikula ni Superstar Nora Aunor na Isa Pang Bahaghari. Kasama niya sa pelikula sina Phillip Salvador, Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Joseph Marco, at Sanya Lopez. Bibida naman sa pelikulang Tagpuan sina Iza Calzado, Alfred Vargas, at Shaina Magdayao.

Mayroon ding para sa mga teenagers at feeling young katulad ng pelikula nina Alex Gonzaga, Xian Lim, at Kylie Versoza na Love The Way U Lie. May entry din ang Regal Entertainment na laging present sa MMFF. Second entry ni Joseph Marco ang pelikulang The Missing kasama sina Ritz Azul at Miles Ocampo.

Balik-pelikula rin ang dating senador na si Jinggoy Estrada sa kanyang entry na Coming Home kasama sina Sylvia Sanchez, Martin del Rosario, Ariela Arida, Edgar Allan Guzman, at Jake Ejercito.  Unang beses namang magtatambal nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino para sa pelikulang Ngayon Kaya.

Larawan mula sa Star Cinema

Magre-reunion naman ang Encantadia 2016 stars na sina Dingdong Dantes at John Arcilla para sa action-thriller na A Hard Day. Kasama rin nila dito sina Janno Gibbs, Meg Imperial, at Al Tantay. Magpapakilig naman sina Angelica Panganiban at Coco Martin sa isang Star Cinema movie na Love or Money.

Ipalalabas ang mga pelikula sa Abril 11 hanggang 21 sa buong bansa. Magkakaroon din daw ng Parade of Stars sa April 4.

Source :

Facebook, PEP

Loading…