Unang transgender CebPac flight attendant, kabilang sa Top 6 ng Miss Int’l Queen 2020

Imahe mula sa Instagram | Jess Labares
  • Kasama sa Top 6 ng Miss International Queen 2020 ang Pinay representative na si Jess Labares
  • Pinangalanan din siyang Miss Photogenic
  • Una nang nakilala si Labares bilang unang transgender flight attendant ng Cebu Pacific

Napabilang ang Pinay representative na si Jess Labares sa Top 6 ng Miss International Queen 2020 sa Thailand.

Imahe mula sa Instagram | Jess Labares

Nasungkit ni Valentina Fluchaire ng Mexico ang korona sa itinuturing na pinakamalaking transgender pageant sa mundo. Samantala, first runner up naman si Ariella Moura ng Brazil at 2nd runner up si Ruethaipreeya Buanglee ng Thailand.

Pinangalanan naman na Miss Photogenic si Labares.

Sa kaniyang post nang lumapag sa Thailand, sinabi ni Labares na gagawin niya ang kaniyang makakaya ngunit hindi niya rin kalilimutang mag-enjoy.

“I promised myself to just enjoy, feel the moment and have fun every single day. No expectations, no regrets, no pressure. But definitely will give my best shot,” sabi niya.

“I am forever honored and grateful for this once in a lifetime opportunity. Never in my wildest dreams did I imagine that one day I would be chosen to represent our country and shout its name — PHILIPPINES.”

Imahe mula sa Instagram | Jess Labares

Bukod sa pagiging isa sa mga finalists sa pageant na ito, una nang nakilala si Labares bilang unang transgender flight attendant ng Cebu Pacific. Sabi niya sa isang interview noon sa ABS-CBN, masaya siya sa pagtanggap ng airline sa kaniya at sa kasamang si Mikee Vitug.

“What I’m thankful of is that Cebu Pacific really embraces us, they’ve been extremely happy of having us. We can feel the warm welcome by our colleagues, the other departments in Cebu Pacific,” sabi niya sa interview.

Nagpasalamat din siya sa pagkakataong ibinigay sa kanilang mga miyembro ng LGBT community.

“On behalf of the LGBTQ community, thank you very much. This means that we have progressed into a more accepting society who has learned to respect and celebrate human individuality and expression. It is another milestone in our country that proves that reputable companies such as Cebu Pacific Air can be diverse and multicultural,” aniya pa sa kaniyang Instagram post.

Taong 2012 nang maiuwi ni Kevin Balot ang unang Miss International Queen title para sa Pilipinas. Sinundan ito ni Trixie Maristela noong 2015.

Loading…