Urban gardening sa gitna ng COVID-19 pandemic isinusulong para matiyak ang domestic food supply

  • Urban gardening isinusulong ng DA sa gitna ng banta ng COVID-19
  • Ang hakbang ng ahensya ay upang matiyak na malakas ang domestic food supply sa gitna ng panic buying sa mga basic food items at medical supplies
  • Tiniyak ni DA Sec. Dar na mayroong sapat na pagkaing mabibili sa mga palengke at KADIWA outlets sa Metro Manila

Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na palalakasin nito ang mga kampanya at programa sa urban gardening upang ibsan ang posibleng negatibong epekto ng COVID-19 pandemic sa food security ng bansa.

Imahe mula sa DA

Ang hakbang ng ahensya ay upang matiyak na malakas ang domestic food supply sa gitna ng panic buying sa mga basic food items at medical supplies na ginagawa ng publiko lalo na sa Metro Manila kung saan may pinakamaraming COVID-19 cases na naitala ng Department of Health.

“We need to promote proper implementation of urban agriculture in the metropolis so that when there is tightening of food supply from the provinces, there will be enough in urban areas as well,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar.

Inatasan na ni Dar ang Agricultural Training Institute at ang Bureau of Plant Industry na pag-igihin ang pakikipag-ugnayan nila sa mga local government units sa pagsusulong ng urban agriculture sa mga paaralan, mga barangay, government offices at kahit sa mga rooftop ng corporate buildings.

Ayon kay Bureau of Plant Industry assistant Director Glenn Panganiban na naglilibot sila sa buong Metro Manila upang mamahagi ng mga binhi at magbigay ng mga pagsasanay upang mahikayat ang mga tao na mag-tanim ng sariling mga halaman.

Imahe mula sa DA

“There are a lot of crops that we can plant here in the metro. We have leafy vegetables, sili, tomato and other root crops. These plants are low maintenance and can easily grow in a month or two. The goal is to ensure food security but eventually, this could also provide a livelihood opportunity,” ani Panganiban.

Kaugnay ng ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila, nagbigay si Sec. Dar ng pagtitiyak na mayroong sapat na pagkaing mabibili sa mga palengke at sa mga KADIWA outlets.

Screenshot mula sa PTV video

Loading…