US President Trump nagdeklara ng national emergency dahil sa COVID-19

  • National emergency idineklara ni Pres. Trump sa buong Estados Unidos dahil sa COVID-19
  • Inatasan din ni Trump ang lahat ng states na magtayo ng mga emergency operation centers
  • Dahil sa deklarasyon ay magagamit na ng bansa ang $50 billion emergency fund upang labanan ang virus

Nagdeklara ng national emergency si United States of America President Donald Trump noong Biyernes, ika-13 ng Marso, upang labanan ang pananalasa ng novel coronavirus.

Screenshot mula sa Global News video

Dahil sa ginawang deklarasyon ay maaari nang magamit ng US government ang emergency fund na nagkakahalaga ng $50 billion. Pinaluwag din ng nasabing deklarasyon ang pagbibigay ng healthcare at mapabibilis ang testing para sa COVID-19.

Inatasan din ni Trump ang lahat ng states na magtayo ng mga emergency operation centers at hinikayat ang mga pagamutan na isagawa ang mga emergency preparedness plans.

Binanggit ni Trump na makikipagtulungan ang national government sa mga private sector upang mas maging maigting ang pagsasagawa ng testing sa mga mamamayan para sa COVID-19.

“We’ve been in discussions with pharmacies and retailers to make drive-through tests available in critical locations identified by public health professionals. The goal is for individuals to be able to drive up and be swabbed without having to leave your car,” anang Pangulo ng Estados Unidos.

Screenshot mula sa Global News video

Aniya, inaasahang magkakaroon ng 1.4 million coronavirus test kits sa loob lang ng isang linggo at karagdagang 5 milyon nito sa susunod na buwan. Sa kabila nito, naniniwala siya na hindi kakailanganin ng Amerika ang ganoon karaming test kits.

Sa ngayon ay umabot na sa 1,700 confirmed COVID-19 cases sa Amerika kabilang na ang 46 na sinawimpalad..

Sinabi ni Trump na handa siyang sumailalim sa COVID-19 test, bagama’t at wala naman daw siyang nararamdamang sintomas kasunod ng pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng Brazil na ang isa ay nagpositibo sa virus.

Screenshot mula sa Global News video

Loading…