UST nagpasalamat sa kanilang ‘unsung heroes’

Imahe mula sa Facebook | University of Santo Tomas
  • Inulan ng pasasalamat ang mga manggagawa mula sa UST na naglilinis ng mga classroom sa unibersidad
  • Ito ay kanilang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19
  • Idineklara ni Pang. Duterte ang kanselasyon ng klase sa National Capital Region mula Marso 10 hanggang 14

Nagpasalamat ang University of Santo Tomas sa mga “unsung heroes” nilang itinuturing — ang mga tauhan mula sa kanilang Facilities Management Office (FMO) na nagsasagawa ng clean up drive upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | University of Santo Tomas

“The next time you see our Kuyas and Ates, please don’t forget to say a big THANK YOU. They are in the campus for the weeklong clean-up to aid in our collective campaign against the further spread of COVID-19,” sabi nila sa isang post kalakip ang larawan ng mga masisipag na manggagawa.

Nagpasalamat din sila sa mga taga FMO sa kanilang pangunguna sa paglilinis ng mga silid-aralan at kapaligiran sa unibersidad. “We thank the Facilities Management Office for spearheading this campus clean-up drive. Maraming salamat po, Ate at Kuya,” dagdag nila.

Inulan din ng pasasalamat mula sa mga estudyante, empleyado, at maging mga alumni. “BIG THANKS to our unsung heroes for the sacrifices to ensure our protection and safety. We owe you. We honor you. We salute you! God is indeed present in each of you,” komento ni Bing M.

Imahe mula sa Facebook | University of Santo Tomas

Hiling naman ni Lynn S., sana ay mag-ingat din ang mga Ate at Kuya. “Thank you for your diligence and ensuring the students, faculty and office workers will go back in cleaner rooms and spaces. Keep safe too! Rest and recharge after. God bless you all,” aniya.

Idineklara ni Pang. Rodrigo Duterte ang kanselasyon ng klase sa lahat ng antas sa National Capital Region mula Marso 10 hanggang 14. Ito ay hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Sa ngayon ay nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 49 kumpirmadong kas0.

Source :

Facebook

Loading…