Van na sinasakyan ni Kim Chiu pinaputukan ng riding in tandem, aktres ligtas at nagbigay ng pahayag

  • Van na sinasakyan ng Kapamilya actress na si Kim Chiu pinaputukan ng riding in tandem
  • Patungo sa taping ng “Love Thy Woman” ang aktres nang maganap ang pananambang
  • Ligtas si Kim Chiu maging ang kanyang personal assistant at driver

Pinaputukan ng hindi pa nakikilalang mga lalaki ang van na sinasakyan ng Kapamilya actress na si Kim Chiu dakong alas-sais ng umaga ngayong Huwebes, ika-4 ng Marso.

Imahe mula sa Instagram accountn i Kim Chiu

Batay sa salaysay ng driver ng aktres na si Wilfredo Taperla, kalalabas pa lang nila ng subdivision patungo sa taping ng “Love Thy Woman” nang bigla silang paulanan ng bala ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.

Naganap umano ang insidente sa panulukan ng Katipunan and CP Garcia Avenues sa Diliman, Quezon City. Anim na bala ang tumama sa itim na van ng aktres. Hindi agad inakala ng driver ng van na sila ang pinaputukan ng mga salarin. Ang akala raw niya ay ang sports utility vehicle sa likuran nila ang target ng riding in tandem.

“’Di namin napansin na may putukan sa likod. Dito pala sa amin pinatama. Kami pala ang pinapaputukan,” pahayag ni Taperla na sinabing nakahiga si Kim Chiu nang maganap ang insidente kaya hindi tinamaan.

Kasama nilang nakaligtas ang personal assistant ng aktres. Tumuloy pa rin daw sila sa taping ng drama TV seies na “Love Thy Woman.”

Matapos ang nakababahalang insidente ay nagbigay ng isang pahayag si Kim Chiu sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

Narito ang kanyang buong pahayag:

“A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot. Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us. I don’t have an idea what really happened, mistaken identity? I guess? Napag-tripan?

This is a bad joke. 6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact. I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying “buti nakahiga ako.” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?

I was so scared, I dont know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me? Kung sino man ang gumawa nito, Diyos na ang bahala sa inyo dalawa at the end of the day inisip ko na lang walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po.”

Screenshot mula sa video ng Metro Showbiz

Loading…