Veteran actor John Regala humihingi ng trabaho kay Coco Martin

  • John Regala umapela ng tulong sa mga TV networks at mga kapwa artista
  • Partikular siyang humingi ng trabaho kay Coco Martin
  • Huling napanood sa telebisyon si John Regala sa “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2016

Nanawagan ng tulong ang beteranong aktor na si John Regala sa dalawang higanteng TV network na GMA at ABS-CBN at sa mga artistang dati niyang nakatrabaho, partikular na kay Coco Martin.

Imahe mula sa Artista PH

Ayon sa kolumnistang nag-interview sa kanya sa burol ng inang si Ruby Regala sa St. Peter Memorial Chapel sa Commonwealth, Quezon City, kitang-kita na hindi maayos ang lagay ng kalusugan ng aktor. Hirap umano itong magsalita habang kanyang kinakausap.

Sa isang punto raw ng kanilang pag-uusap ay hindi napigilan ni John Regala na mapaiyak habang umaapela kay Coco Martin na muli siyang mabigyan ng trabaho.

Huling napanood sa telebisyon si John sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” kasama ni Coco Martin noon pang taong 2016. Magmula noon ay hindi na siya muling nabigyan ng proyekto.

Taong 2017 nang muling maging laman ng mga balita si John matapos niyang mag-collapse sa harap ng isang supermarket sa Bacoor, Cavite. Inakala ng marami na na-stroke siya subalit pinabulaanan niya ito.

Aniya, bumaba ang blood sugar level niya kaya nawalan siya ng malay.

Imahe mula sa Artista PH

Itinuturing si John Regala bilang isa sa mga mahuhusay na bida-kontrabida sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ang mga magulang niyang sina Ruby Regala at Mel Francisco ay parehong dating artista.

Nagsimula siya bilang ekstra sa pelikula hanggang noong kalagitnaan ng 1980s ay masuwerteng nakapasok siya sa “That’s Entertainment” TV show ng GMA Network. Naging action star naman si John sa una niyang action movie na “Boy Kristyano” noong 1989.

Imahe mula sa PEP

Taong 1990 nang gumanap siyang kontrabida sa pelikula ni Ronnie Ricketts na “Iisa-isahin ko kayo.” Dahil sa husay ng kanyang pagganap ay nagsunud-sunod ang mga offers niya bilang kontrabida kaya napahanay siya kina Robin Padilla, Jeric Raval at Ace Vergel bilang mga “Bad Boys of Philippine Cinema.”

Noong 2017  ay ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho: Ang pakikibaka ni John Regala:

Source :

Abante, MSN

Loading…