Vic Sotto sa kanyang anak na si Pasig Mayor Vico Sotto: “Proud ako na he’s doing a good job”

  • Isang proud daddy ang Bossing ng bayan na si Vic Sotto sa kanyang anak na si Pasig Mayor Vico Sotto
  • Ayon kay Bossing, masaya siyang malaki ang suportang nakukuha ng anak sa kanyang mga programa sa gitna ng pagsub0k sa bansa
  • Sinabi rin ni Bossing na hindi ito ang tamang panahon para sa pamumulitika at dapat ay magbayanihan ang bawat isa

Marami ang humahanga ngayon sa bagito pero mahusay na mayor ng Pasig City na si Vico Sotto. Pinabibilib ni Vico, hindi lamang ang mga kababayan sa Pasig kung hind imaging ang maraming residente sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sabi ng iba, sana raw ay mayor din sila na katulad ni Vico na walang patid ang pagseserbisyo sa kanyang mga nasasakupan.

At kung mayroong isang taong tunay na proud ngayon sa mahusay na pamamalakad ni Vico, ito ay walang iba kung hindi ang kanyang mga magulang, kabilang na ang Bossing ng bayan na si Vic Sotto. Sa isang panayam, sinabi ni Bossing na proud siya sa pagiging mabuting lider ng 30-anyos na anak.

Larawan mula sa Instagram post ni Vico Sotto

Sabi ng beteranong Eat Bulaga host, wala raw pagsidlan ang kanyang kagalakan na malaki ang suportang nakukuha ng anak na mayor ng Pasig. Ngunit sabi ni Bossing, lahat naman daw ng mga namumuno sa bansa ay dapat papurihan dahil hindi talaga biro ang kanilang trabaho ngayon.

“Yung kay Vico, I think he’s doing his job. Iyon ang ipinangako niya sa kanyang mga constituents, na aalagaan sila, and he’s doing a good job,” bungad ni Bossing.

“Of course, proud ako na he’s doing a good job. Pero sabi ko nga, hindi lang naman siya patu yung ibang mga namumuno sa bansa. Lahat sila, they are doing a good job,” dagdag pa ni Vic.

Bagaman ay proud si Bossing kay Vico, hindi naman niya nakalimutang bigyan ng pagsaludo ang iba pang mga namumuno sa bansa, maging ang frontliners na talaga naman daw nagbibigay ng pag-asa sa lahat na malalagpasan din natin ang mga pagsub0k na kinahaharap ng bansa.

Larawan mula sa Instagram post ni Vico Sotto

“Sabi ko nga, mula sa ating Pangulo hanggang sa ating mga health workers, e talagang sama-sama. Kapag sama-sama, may bayanihan, kakayanin natin ‘to,” pahayag ng 65-anyos na comedian, host.

Sinegundahan din ni Bossing ang naunang pahayag ng anak na si Vico na hindi dapat kinukumpara ang bawat LGU ng bansa, bagkus dapat daw ay lalong magtulungan sa mga panahong ito. Sinabi ni Bossing na dapat daw muna isantabi ang politika at ituon daw ang oras kung paanong makatutulong sa kapuwa.

Source :

PEP, YouTube

Loading…