Vice Ganda pinuri ng netizens sa donasyon para sa health workers

  • “It’s Showtime” host na si Vice Ganda nagkaloob ng ilang medical supplies para sa mga healthcare frontliners
  • Ang Lung Center of the Philippines, Quezon City General Hospital, Philippine Children’s Medical Center at San Lazaro Hospital ang napili niyang bahaginan ng mga supplies
  • N95 face masks, medical disposable gloves, safety goggles, alc0hol at disinfectant spray ang donasyon ni Vice Ganda

Pinuri ng mga netizens ang kabutihang-loob ng TV host-comedian na si Vice Ganda sa mga donasyong ipinagkaloob niya para sa mga healthcare frontliners sa apat na malalaking pagamutan sa Metro Manila upang mabigyan sila ng proteksyon sa nilalabanang pandemya.

Imahe mula kay Vice Ganda

“God Bless you, Vice;” “Bless your heart,” “Thank you Vice! You are such a blessing!” Ilan lang ito sa mga mensahe ng mga pumuri sa ginawa niya.

Sa Instagram, ibinahagi ng “It’s Showtime” host ang ilang larawan ng mga kahon na naglalaman ng medical supplies tulad N95 face masks, medical disposable gloves, safety goggles, alc0hol at disinfectant spray – mga bagay na makatutulong upang hindi sila mahawahan ng kumakalat na sakit.

“Started distribution of N95 masks, medical disposable gloves, safety goggles, alc0hol, disinfectant spray,” post ni Vice Ganda.

Apat na malalaking pagamutan, tatlo sa Quezon City at isa sa Lungsod ng Maynila, ang napili niyang bigyan ng mga ito – ang Lung Center of the Philippines, Quezon City General Hospital, Philippine Children’s Medical Center na pawang nasa Quezon City at ang San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Manila.

Imahe mula sa Instagram account ni Vice Ganda

Bukod sa mga medical supplies na nabanggit, nagbigay din si Vice Ganda ng mensahe ng pasasalamat sa kabayanihan ng mga frontliners na tumutugon sa nararanasang health crisis sa bansa.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga frontliners para sa pagmamahal at pagkalinga ninyo sa madlang people. Mabuhay po kayo. Pagpalain ng Diyos ang inyong kabayanihan,” aniya.

Pinasalamatan din niya ang mga taong katuwang niya sa pamamahagi ng supplies sa frontliners at ang mga suppliers.

“Thank you TEAM VICE at sa lahat ng mga suppliers!”

Imahe mula kay Vice Ganda

 

Loading…