Vicki Belo ipamamahagi ang stock ng PPE sa mga ospital; 13th month pay ng mga empleyado, ibibigay

Imahe mula sa Instagram | Vicki Belo
  • Ipamimigay ng Belo Medical Group ang stock ng kanilang mga personal protective equipment (PPE) ng mga health workers sa mga ospital at health centers
  • Ibibigay rin daw nila ang suweldo, benefits, at maagang 13th month pay ng kanilang mga empleyado
  • Hinimok din nila ang mga kapwa beauty and wellness centers na gawin ang mga hakbang na ito bilang pagtugon sa tawag ng gobyerno

Bilang pagtugon sa kakulangan sa protective personal equipment (PPE) ng mga frontliner sa health industry na lumalaban sa COVID-19 ay ido-donate na ng dermatologist na si Dra. Vicki Belo sa mga ospital at health centers ang stock ng PPE sa kaniyang mga clinic.

Imahe mula sa Instagram | Vicki Belo

“As a response to our President’s call we are donating all our remaining stocks of PPEs in our clinics to various hospitals and health centers in need, and will continue to donate what is needed as our remaining shipments arrive,” sabi ni Belo sa kaniyang Instagram post.

Sinigurado rin nila na makatatanggap ng sweldo, benepisyo, at maagang 13th month pay ang kanilang mga empleyado. Kung tatagal pa ang suspensyon ng trabaho dahil sa enhanced community quarantine ay may nakahanda na rin silang plano.

“Should the suspension of work last beyond the month of May, a modified ‘no work, no pay’ [will be implemented] to help our employees tide over during these trying times,” anila.

Imahe mula sa Instagram | Belo Beauty

Hinimok din niya ang mga kapwa beauty at wellness center na gawin ang mga hakbang na ito sa gitna ng pandemic na COVID-19.

“We need to stand together against a common adversary at this time,” saad pa sa post.

Samantala, sinigurado naman nila sa kanilang mga pasyente na mananatiling bukas ang kanilang online, e-mail, at SMS channel upang tugunan ang kanilang mga urgent concern.

“Extraordinary times call for extraordinary measures. Belo Medical Group stays in solidarity with the government, and the people in our continued fight against the spread of COVID-19 . We must, in all ways, go beyond the necessary actions for the betterment of our country,” dagdag nila.

Source :

Instagram

Loading…