Virtual dalaw sa mga PDL sa Manila City Jail ipinatutupad para iwas COVID-19

  • Virtual dalaw ipinatutupad sa Manila City Jail
  • Makakausap ng mga kaanak ang mga PDL sa pamamagitan ng online chat gamit ang mga computers
  • Ginagawa ang virtual dalaw upang maiwasan na makapasok ang coronavirus sa pasilidad

Pansamantalang itinigil ang personal na pagdalaw ng mga kaaanak sa mga persons deprived of liberty (PDL) sa Manila City Jail upang maiwasan na mahawahan sila ng coronavirus disease o COVID-19.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Napakalaki ng posibilidad na magkahawahan lahat ng PDL na nakapiit sa nasabing jail facility dahil overcrowded na ito. Ang pasilidad ay idinisenyo para lang sa 1,000 PDLs, subalit sa kasalukuyan ay nasa apat na libo ang bilang  ng mga nakapiit doon.

Bukod pa rito, ang mga jail personnel ay pansamantalang hindi na rin umuuwi sa kanilang mga tahanan upang maiwasan ang banta ng coronavirus.

Sa layuning magkaroon ng patuloy na komunikasyon ang mga PDLs sa kani-kanilang mga mahal sa buhay sa kabila ng pagsisikap na maiwasan ang pagkakaroon ng virus, isinasagawa ngayon sa pasilidad ang “virtual dalaw” sa pamamagitan ng online chat kung saan maaaring makausap ng kaanak ang PDL gamit ang computer.

Bukod sa virtual dalaw, nagsasagawa rin ang mga personnel ng Manila City Jail ng regular na pagdi-disinfect ng buong pasilidad upang linisin ang anumang mikrobyo na posibleng pagmulan ng karamdaman.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Noong isang araw, isang PDL ang nagdulot ng kaba sa mga tauhan ng Manila City Jail nang magkaroon ito ng lagnat. Mabuti na lang ay negatibo siya sa COVID-19 at ngayon ay mabuti na ang pakiramdam.

Negatibo man sa COVID-19 ang pasisilad, hindi umano maiiwasan ang pagkalat ng iba pang sakit sa piitan tulad ng sore eyes at pigsa lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…