“Walang sobra, walang kulang:” Fan ng aktres na si Kristine Hermosa, hinangaan ang timeless beauty ng idolo

  • Isang fan ang pinapurihan ang hindi kumukupas na ganda ni Kristine Hermosa
  • Ayon sa kanya, wala raw sobra at walang kulang sa ganda ni Kristine kaya niya ito idol
  • Hanga rin daw siya sa angking husay nito sa pag-arte at patunay na siya ay higit sa magandang mukha lamang

Maliban sa husay sa pag-arte, pagsayaw, at pagkanta, maraming artista sa showbiz ang hinahangan natin dahil sa angking ganda nila. Sila ang nagsisilbing inspirasyon natin upang mailabas ang kagandahan natin, pisikal man o panloob, at maging huwaran sa pag-iingat sa ating mga sarili.

At para sa isang fan, nananatili ang ganda ng kanyang idolo ilang taon man ang lumipas matapos niyang unang masilayan ang ganda nito. Sa Facebook group na We are 90’s, ibinahagi ni La Blañche ang kanyang paghanga sa aktres na si Kristine Hermosa.

Larawan mula sa Facebook post ni La Blañche

Ayon kay La, kahit matagal nang nasa showbiz si Kristine, ito pa rin ang nananatiling pinakamagandang Pinay actress. ‘Perpekto’ raw ang kagandahan nito dahil hindi sobra at hindi rin kulang. Hindi na raw nito kailangan nang matinding pag-aayos o filter dahil natural na lumalabas ang ganda nito.

“Para sa akin, siya pa rin ang pinakamaganda sa lahat ng Pilipinas. Walang sobra, walang kulang. Looks very perfect. Siya talaga ang idol ko. Yung hindi na kailangan ng filter, ng makeup. Natural beauty at talented sa pag-arte,” pahayag ni La sa kanyang post.

Pero ang ultimate fan, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin pinapalad na makita ang idolo sa personal. Gayunman, kahit sa telebisyon, pelikula, print ads, at Internet niya lang nakikita si Kristine, hindi raw magbabago ang paghanga niya rito na nagsisilbi rin niyang inspirasyon hanggang ngayon.

Marami naman ang sumang-ayon kay La sa kanyang sinabi. Sabi ng ilang nagkomento, totoo raw na napakaganda pa rin hanggang ngayon ni Kristine. Pero patunay din daw ang aktres na hindi natatapos sa ganda lang ang kinang sa showbiz. Magaling din kasing aktres si Kristine kaya naman sumikat din nang husto ang aktres.

Larawan mula sa Facebook post ni La Blañche

Nakamit ni Kristine ang kasikatan nang maipares kay Jericho Rosales sa seryeng Pangako Sa ‘Yo. Napanood ito hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa iba’t ibang panig ng Asya. Nasundan pa ito ng mga proyekto sa telebisyon at pelikula.

Ngayon ay masaya na si Kristine sa buhay mag-asawa. Ikinasal siya sa kay Oyo Sotto noong 2011. Sa kasalukuyan ay mayroon silang apat na anak.

Loading…