“We Heal As One” para sa sambayanang Pilipino, may hatid na inspirasyon para sa lahat

  • May inihandog na kanta ang grupo ng mga Pilipinong mang-aawit para sa mga Pilipino sa gitna ng kinahaharap na suliranin
  • Ang kantang ito ay pinamagatang “We Heal As One” na may hatid na inspirasyon para sa lahat
  • Tatlo sa mga beteranong mang-aawit na nakiisa rito ay sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Lani Misalucha

Sa pangunguna ni National Artist for Music na si Ryan Cayabyab, isang makabuluhang kolaborasyon ang inihandog ng mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas kung saan kinanta nila ang kantang “We Heal As One.”

Screen grab mula sa YouTube/Universal Records PH

Ang opisyal na music video ay ipinaskil ng Universal Records Philippines sa YouTube kung saan pinagsama-sama ang mga kuhang video ng mga kaisang mang-aawit.

Kabilang sa mga sikat na mang-aawit na nakiisa sa music video ay ang mga beteranong sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Jaime Rivera, Pops Fernandez, Martin Nievera, Leah Salonga, Michael Williams, Robert Seña, Isay Alvarez, at Menchu Lauchengco,

Kasama rin dito si Sarah Geronimo kung saan ibinahagi rin niya sa kaniyang Instagram account ang video.

“A song that once united this nation has been rewritten and rearranged to reflect the challenges posed by the CoViD-19 virus,” pambungad na caption ni Sarah.

“Interpreted by Filipino singers who have, from the safety of their homes, lent their voices to this effort. It is our collective hope that the new lyrics reflect a timely and humane artistic response to the war we all must win together,” dagdag pa ni Sarah.

Ilan pa sa mga nakiisa ay sina Bamboo Mañalac, Apl de Ap, KZ Tandingan, Julie Anne San Jose, Jed Madela, Mark Bautista, Aiccel Santos, Christian Bautista, Rita Avilla, Ken Chan, Alden Richards, Paolo Valenciano, at Iñigo Pascual.

Inspirasyon para sa lahat ang dulot ng kanilang kolaborasyon na nagpapaalala rin sa atin na ang ating pagka-Pilipino ay “lahing nagpapatunay na tayo’y makatao pa.”

Screen grab mula sa YouTube/Universal Records PH

Ang musika ng “We Heal As One” ay kay Ryan Cayabyab, ang pamagat at liriko ay kay Floy Quintos, at ang areglo ay kay Jimmy Antiporda. Ang music video ay nai-prodyus ni Eloisa Matias sa direksiyon ni Frank Lloyd Mamaril.

Maaaring mapanood ang music video sa ibaba at maaari na ring pag-aralan upang makasaby tayo sa kanila:

Loading…