Wikang Mandarin, pinaplanong isama sa training ng ilang sangay ng PNP

  • Pinaplanong isama sa training ng tatlong yunit ng Philippine National P0lice (PNP) ang pag-aaral sa wikang Mandarin ng mga Chinese
  • Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nais ng ahensiya na mas mapadali ang pakikipag-usap sa mga Chinese nationals na sangkot at biktima ng mga insidente sa bansa
  • Hindi na rin umano bago ang pagkuha nila ng foreign language training na may layuning mas mapabuti ang pagresolba ng mas dumaraming kas0 kung saan sangkot ang mga banyaga

Pinag-aaralan ng Philippine National P0lice (PNP) na isama sa training ng tatlong sangay nito ang pag-aaral sa wikang Mandarin ng mga Chinese.

Imahe mula sa official website ng Philippine National Police (PNP)

Sa ulat ng Inquirer, sinabi umano ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na nais lamang ng ahensiya na mas mapadali ang pakikipag-usap nila sa mga Chinese nationals na sangkot at biktima ng mga insidente sa bansa.

Nakikita umano nilang paraan ang pag-aaral ng wika ng mga ito lalo’t mas dumarami ang mga insidenteng may kinalaman sa mga Chinese dito sa Pilipinas.

“We have noted a spike in the number of incidents [involving and victimizing Chinese nationals] so there is a need for us to add some more training on language proficiency,” ani Banac sa interview nito sa Inquirer.

Ilang mga opisyal mula PNP – PDEG, Anti-Kidnapping Group (AKG), and CIDG ang pinaplano nilang isama sa language training na gaganapin sa first quarter ngayong taon.

Ayon pa kay Banac, hindi na umano bago ang pagkuha ng PNP sa mga foreign language courses tulad ng Mandarin .

Ilang mga pulis na rin noon ang kanilang pinagsanay ng Korean language upang mas mapabuti ang pagresolba sa mga kas0ng may kinalaman sa Korean nationals. Hindi na nga lang umano ito masyadong nagagamit ngayon dahil mas umunti na ang bilang ng mga insidenteng may kaugnayan sa mga Koreano.

Imahe mula sa official website ng Philippine National Police (PNP)

Matatandaan na noong September 2019, tatlong opisyal na mula sa PNP-AKG ang ipinadala ng Pilipinas sa China upang mag-aral ng Mandarin nang libre.

Layunin ng PNP na mas mapadali ang pakikipag-usap sa Chinese na sangk0t sa mga insidente at upang hindi na rin nila kailanganin pa ng interpreter sa pagresolba ng mga kasong may kinalaman sa mga banyaga.

Loading…