Willie Revillame, napagalitan ng winner sa online edition ng Wowowin: “Sino ka? Anong kailangan mo?”

  • Tuloy sa paghahatid ng ligaya ng host na si Willie Revillame sa pamamagitan ng Wowowin Online show
  • Sa isang episode, napagalitan pa si Willie ng caller na hindi agad siya nakilala
  • Bandang huli, lubos na napaligaya si Willie ng caller na mayroong magiliw na personalidad

Kahit na nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong bansa, hindi papaawat ang TV host na si Willie Revillame sa pamimigay ng papremyo sa kanyang mga loyal audience. Gumawa ng paraan si Willie na makapagbigay ng tulong at pag-asa sa pamamagitan ng online edition ng kanyang patok na game show na Wowowin.

Nasa bakasyon man si Kuya Willie, sa pamamagitan ng Facebook live ay isinasagawa niya ang Tutok to Win, ang online edition ng Wowowin, para tawagan ang mga Facebook likers nila at bigyan ng malalaking papremyo.

Larawan mula sa YouTube video ng Wowowin

At sa isang episode ng Tutok to Win, madalas na hindi makilala ng mga natatawagan ni Willie ang host dahil random lang naman ang pagpili nila ng winners. May pagkakataon na kailangan pang ipaliwanag ni Willie sa kanyang mga natatawagan kung sino siya at ano ang dahilan ng kanyang pagtawag.

Pero trending ngayon ang isang winner na hindi maganda ang bungad kay Willie dahil wala itong ideya na nanalo siya. Pagkasagot nito sa telepono, manghang-mangha ito kung sino ang tumawag sa kanya sa puntong tinatarayan na niya ito?

“Sino ito? Sino ka ba? Anong kailangan mo? Kaaano-ano ba kita?” sabi ni Ate na nanalo na walang kaalam-alam na magkakaroon siya ng malaking biyaya mula kay Willie.

Nang magpakilala si Willie, agad na nakuha ng babaeng caller na nasa Wowowin online siya. Hindi mapigilan ni Willie at kanyang mga kasama sa bahay na matawa sa babae.

Lalong naging kuwela ang usapan ng dalawa dahil sa masiyahing personalidad ng nanalo sa online edition. Ayon sa babae, hindi raw siya nanonood talaga ng Wowowin pero dahil mahilig ang tatay niyang manood nito kaya damay na siya.

Larawan mula sa YouTube video ng Wowowin

Sinabi pa nito na idolo lang ng babaeng winner ang mga female co-host ni Willie dahil matanda na raw ang game show host. Pero biro lang naman ito ng babae na nagbigay naman ng ngiti kay Willie at kanyang staff.

Bandang huli, nanalo ang babae ng P5,000 para mayroong pambili ng pagkain ang pamilya ng winner dahil nasa ECQ ang buong bansa ngayon dahil sa C0VID-19.

Panoorin ang kakaibang experience ni Willie sa isang winner ng Wowowin online edition:

Loading…