Winwyn Marquez, pumalag sa netizen na nagsabing sa halip mag-TikTok ay tumulong na lang

  • Sinabihan ng isang netizen si Winwyn Marquez na paggawa ng TikTok videos lang ang inaatupag sa halip na tumulong
  • Hindi pinalampas ng aktres ang sinabi ng netizen
  • Kailangan pa raw bang i-report ang ginagawa niyang pagdo-donate, tanong ng aktres sa netizen

Hindi nagustuhan ng aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez ang patutsada sa kanya ng isang Twitter user na palaging ang paggawa ng TikTok video ang inaatupag niya sa social media.

Imahe mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Anang netizen, wala raw nagawa sa kapwa Pilipino si Winwyn bilang Reina Hispanoamericana.

“So as a Reina Hispanoamericana, what did you do to help our fellow Filipino citizens? Wala. Instead of doing TikTok videos or anything else, try to help. Just a reminder. @wynmarquez,” tweet ng netizen.

Hindi ito pinalampas ng aktres at agad sinagot ang basher.

Aniya, “Wala? Do I need to report kung ano na-donate ko and i-post kung ano pa nabigay ko? Do you even know me personally na nakikita mo ginagawa namin pag ‘di kami nagpo-post ng TikTok videos?”

Magkagayunman, pinasalamatan niya ang paalala nito kasabay ng pagsabing sana raw ay nakatulong din sa ibang tao ang nasabing netizen.

“Thanks for the reminder though, but sana ‘wag tayong assuming and sana nakatulong ka din sa iba.”

Screenshot ng tweet ni Winwyn Marquez

Isa pang netizen ang nagsabi na ayaw na muna niyang makakita ng mga TikTok videos sa kanyang social media feed.

“I think I only have two or three on my IG feed. Don’t download the app or uninstall the app if nakakahilo na for you. I understand na not all gusto ang TikTok,” ani Winwyn.

Isa si Winwyn sa mga local celebrities na nanawagan ng pagkakaisa upang labanan ang salot na nananalasa sa bansa.

Screenshot ng tweet ni Winwyn Marquez

Loading…