Young artist, iginuhit ang mukha ni Robert Downey, Jr. a.k.a. “Iron Man”

  • Iginuhit ng isang young artist ang mukha ni Robert Downey, Jr. sa pamamagitan ng charcoal pencils
  • Si Robert Downey, Jr. ay nakilala bilang “Tony Stark” o “Iron Man” sa mga pelikula ng “Avengers”
  • Tinangka ng artist na ibahagi ang isa sa kaniyang mga obra maestra sa social media

Isa sa mga sikat at tinitingalang American actor, producer, at singer sa Hollywood si Robert Downey, Jr., dahil na rin sa mahusay na pagganap niya sa iba’t ibang karakter at pelikula, lalo na ang pagiging “Tony Stark” o mas kilala bilang “Iron Man”,sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa epektibong pagkakaganap sa katauhan ni Iron Man. Kaya naman, ibinahagi ng isang young artist na nagngangalang “Jherald Alfred Blanco” sa kaniyang Facebook post ang iginuhit niyang mukha ng aktor gamit lamang ang charcoal pencils.

Imahe mula sa Facebook account ni Jherald Alfred Blanco

Nakalagay sa kaniyang caption, “I started this piece last year but I got lazy to finish it so I thought continuing it may be a nice task to get me preoccupied this quarantine. Robert Downey, Jr. as Tony Stark | Iron Man, Charcoal on Canson.”

Ayon sa artist, hindi talaga siya komportableng ibahagi sa social media ang kaniyang mga “obra maestra” dahil nahihiya siya sa maaaring maging feedback ng mga taong makakakita nito. Ngunit sa panahon ng enhanced community quarantine kung saan nakaiinip na nga naman, nilakasan niya ang loob na i–post ang kaniyang likha.

Hangang–hanga naman ang mga netizens dahil kuhang–kuha ng magaling na artist ang detalye ng mukha ni Robert Downey, Jr, na kinopya sa isang poster ng pelikulang “Avengers”.

“Galing–galing mo naman… you are such a gifted and talented one. Tama ‘yan… make use of your time while naka– quarantine. I love your obra maestra. Sana post mo pa lahat ng work of art mo,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang galing! Nakaka–proud ka. Good job ka rito, nak! Keep it up!”

“Ang galing! Napaka–talented mo talaga. Ipagpatuloy mo lang iyan!” pahayag naman ng isa.

Dahil sa magagandang feedback, ipinangako ng artist na ipagpapatuloy pa niya ang pagbabahagi ng kaniyang mga likha sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Kudos sa iyo! Ang mga ganitong talento ang nararapat ipagmalaki sa social media!

Public Domain Image

Loading…