?1.6 bilyong pondo ng DOLE kinapos; CAMP application para sa mga manggagawa itinigil

  • Maraming employers at empleyado ang umaasa sa financial assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Covid Adjustment Measures Program (CAMP)
  • Gayunman, hindi sapat ang ?1.6 bilyong pondo para sa lahat ng mga apektadong manggagawankaya kinansela ng ahensiya ang pagtanggap ng aplikasyon
  • Marami ang nadismaya at bumatiko sa DOLE matapos itong ibalita sa kanilang Facebook page

Agad na binatikos ng mga netizen ang Facebook post ng Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa pagkansela nila ng aplikasyon para sa financial assistance sa ilalim ng Covid Adjustment Measures Program (CAMP) sa mga formal sector workers.

Ayon dito, ang pagtanggap nila ng online application ay kanilang isinara noong Abril 15, 2020 sa ganap na 5:00 ng hapon.

Imahe mula sa Department of Labor and Employment Facebook page

Dahil sa sobrang dami umano ng nagpasa sa kanila ng aplikasyon ay hindi raw sasapat ang inilaang pondo ng gobyerno para sa programa na nagkakahalaga ng ?1.6 bilyon.

Mula raw nang simulan ang CAMP noong Marso 23 hanggang sa petsa ng pagsasara ng aplikasyon ay nakapagbigay na ang DOLE ng ?5,000 financial assistance sa 236,412 na manggagawa mula sa 10,663 establisimyento. Kung susumahin ito ay may total na ?1,182,060,000.

Samantala, mayroon pa umano silang nakatakdang bigyan na 85,563 manggagawa sa mga susunod na araw na umaabot sa ?427,815,000.

Kung mabibigyan na ang 85,563 manggagawa, aabot na ito sa ?1,609,875,000 na lagpas na sa ?1.6 bilyon.

Samantala, may mga employers din ang nagpahayag ng pagkadismaya sa DOLE.

“How can our employees will believe on the explanation you have shared to us right now? We thought DOLE can be rely on times like this, but telling us that allotted fund is already depleting is outrageous!” ayon sa isang netizen.

“DOLE, we don’t want to sound pessimist or bastos but we are hoping that you will lighten the burden of our workers. We’ve trusted so much on your program from Day 1 until now,” ayon pa sa isang netizen.

May ilan din na nais maliwanagan kung ano ang mangyayari o nangyari sa mga naunang aplikasyon na wala pang kumpirmasyon mula sa DOLE.

Imahe mula sa Pixabay

Samantala, ang ahensiya ay humihingi ng pasensiya at pang-unawa mula sa mga employer at mga empleyado na hindi makatatanggap ng cash assistance mula sa CAMP.

Nakikipag-ugnayan naman daw ang DOLE sa iba pang sangay ng pamahalaan para sa iba pang alternatibong programa na makatutulong sa mga manggagawa.

Source :

Facebook, DOLE

Loading…