?5000-?8000 financial aid sa ilalim ng SAP, mabilis na naipamamahagi sa Marikina, Pasig, at Parañaque

  • May mga pamilyang Pilipino ang nakatanggap na ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno sa ilalim ng SAP o Social Amelioration Program kontra COVID-19
  • Ang mabilis na pagtugon ng mga local government units (LGUs) ay katumbas ng mabilis ding pamamahagi ng pondo
  • Gayunman, may ilang LGUs na hindi agad nakakapagpasa ng mga hinihinging requirements ng gobyerno

Isa sa mga tungkulin ng mga local government units (LGUs) sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa ay ang maayos at mabilis na pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong Laban sa COVID-19 ng Department of Social Welfare and Development.

Imahe mula sa Department of Social Welfare and Development Facebook page

Ang SAP ang tulong pinansiyal ng gobyerno para sa mga mahihirap nating kababayan nang sa gayon ay may dagdag silang gastusin dulot ng community quarantine.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), isa sa apat na mga benepisyonaryo ang nakatanggap na ng unang bahagi ng pondo.

Binigyang-diin ni DILG Secretary Eduardo Año na tatlong lungsod sa Metro Manila ang may pinakamabilis na distribusyon ng tulong pinansiyal: ang Pasig City (Mayor Vico Sotto), Parañaque City (Mayor Edwin Olivarez), at ang Marikina City (Mayor Marcelino Teodoro).

May ilang LGUs umano ang nakiusap sa DILG na dagdagan ang kanilang palugit sa pagpapasa ng mga requirements. Pero sinabi ni Año sa isang panayam ng DZMM na pinu-push nila na makasunod ang mga LGUs sa direktiba ng national government.

Depende umano sa bilis ng pagpapasa ng requirements ang bilis ng aksiyon para sa pamamahagi ng nasabing tulong pinansiyal.

Tinatayang 18 milyong pamilyang Pilipino ang mas nangangailangan ng tulong mula sa SAP kung saan maaari silang makatanggap ng ?5000 hanggang ?8000 sa loob ng dalawang buwan (April hanggang May).

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Vico Sotto

May prosesong sinusunod ang pamamahagi ng SAP kung saan inaatasan ang mga barangay na ilista kung sino ang mas dapat na makatanggap at mula rito ay gagawa sila ng payroll. Kapag na-encash na ang pera ay doon na sila magsisimula sa pamamahagi.

Samantala, sinabihan din ng DILG ang bawat barangay na magpasa ng listahan ng mga residenteng nagpoprotesta dahil wala ang kanilang pangalan sa listahan nang sa gayon ay mahanapan sila ng dagdag na pondo ng gobyerno.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…